Ask Lang po

Pwede poba uminom Ng purong kape ang buntis? Nagsusuka Napo Kasi ako SA 3in1 at SA gatas ano pong epektp Ng black coffee SA buntis?

24 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

No. As much as possible po, bawal sa buntis ang kape, kung nag c-crave po sa coffee marami po alternatives like Anmum mocha flavor po lasang kape din pero walang caffeine. Hanap na lang po kayo ng lasang kape din pero walang cafferine pero wag po masyadong matamis. ☺️ Pag black coffee mi, matapang po yan may chances po na nakakalaglag po kasi ang kape (according to midwife) saka kahit i-search niyo po lalo kung nasa first trimester pa lang po kayo. Mga epekto po nyan sa buntis marami, naalala ko lang kasi, nagpapalpitate ako non at nanghihina lalo kapag kumakain ako ng chocolates like Champorado. Kaya okay na po yung nagtanong po kayo dito ☺️ sana po ay nasagot mi, and have a healthy pregnancy and good luck po ☺️

Magbasa pa

Nung buntis ako 3in1 din kape ko, binagbawalan lang ako nung lagi na ako sinisikmura, ang ginawa ko every other day na lang inom ko. Kape is life 🤭 depende pa din yan sa status ng health nyo ni baby ako kasi wala naman akong complications nun like mataas sugar. Pag labas naman ni baby tulugin naman sya di naman ako pinupuyat. dami kasi sakin nagsasabi na magiging gisingin daw... Depende lang siguro sa bata un. Tandaan lagi i consult kay OB mo lahat ng i titake mo para sure lang na kung okay ba.

Magbasa pa

May napanood akong tiktok ng OBGYN may study siyang sinabi na moderate caffeine intake habang buntis pwede mag cause ng low birth weight sa baby. Pero pag nag google ka ang makikita mo either pwede ang 1 cup a day or no coffee dapat. Ako personally tinigil ko talaga kape nung buntis pa ako. Make an informed decision na lang.

Magbasa pa

if okay sa OB nyo magcoffee, better po ung black coffee, limit to 1 cup a day. huwag po kayong ma 3in1, super taas sa sugar, baka magkaGDM kayo. if milk naman, better po fresh pasteurized milk than maternity milk. same nutrients naman po makukuha, ung maternity milk mataas din sugar content

ako mii di talaga mapigil. hahaha 25 weeks okay naman baby ko. normal HB saka malaki sa age niya HAHAHA 1 week lang naman sa size. Tapos ang coffee ko ay instant, yung nescafe ganon, ayoko ng 3n1 mas madami daw sugar content non eh. Siguro 3-4x a week ako magcoffee, minsan araw araw 🤣🥲

11mo ago

addtl info: nag ask din ako sa OB na kilala din dito sa city namin, oks lang naman sabi niya 1 cup tho hindi talaga healthy ang kopi 🤣

Hello mi! Dati when i was preggy, I’m so addictive to coffee and my ob reco na i should stop drinking coffee to much, she also said na makakapag drink padin me ng coffee but a 3% 5% of coffee 3x a weeks or 4x dipende sa health nyo ni baby☺️ yun lang mi sana makahelp

11mo ago

thankyou mii❤️ diko na Kasi alam ano iinumin ko kahit SA tubig nagsusuka ako 😅

hi mii, sabi naman po sa akin ng OB ko, ok naman po magcoffee 1-2 cups a day. Personally, hanggang 1 cup nalang po talaga ako and dapat before lunch time kasi nahihirapan po akong makatulog sa gabi. No to 3in1 po kasi mataas sugar content nun.

kahit pa Sabihin ng OB na pwede in moderation mas mainam pa rin na umiwas.. ako na hard coffee drinker nung nalaman ko preggy ako automatic no caffeine intake na.. pero kung di talaga maiwasan 1cup in a day pwede naman

mangayayat baby mo sa caffeine . sama mo na milo at soda jan. pwede naman daw magkape 1 cup. ako adik sa kape bago magbuntis. tinigil ko talaga nung nabuntis ako kase mas ok na wag magkape habang buntis

pinayagan ako ni ob magkape pero black coffee kung kaya wlang asukal wag na lagyan pero nglalagay ako konti para di masyado mapait. Basta wag lang daw 3n1 coffee ang iinumin ko.

Related Articles