Pa help po
Pwede po kaya ako mag request kay OB na baka pwede ako bigyan ng medical certificate na need ko mag LOA? Bpo po kasi work ko. Nahihirapan na po ako sa night shift, nahihirapan na din po ako umupo ng 8 hrs straight. Medyo busy account po kasi, wala po tayuan. 7 months pregnant na po ako, pakiramdan ko po naiipit ko na si baby pag nakaupo. Araw araw pkiramdam ko din parang nabugbog katawan ko sa pagod at sakit, hindi na po maganda pakiramdam ko. Mat leave na po ako sa 26 pero parang di na po ako aabot sa 26 kahit na ba sabihin na tatlong linggo na lang. Hindi po kaya isipin ni OB na baka tinatamad lang ako at di ako bigyan? #pleasehelp #firstmom
Yes bibigyan ka po nyan ni OB mo. Ako naman next month pa dapat Mat Leave ko kasi Sept pa EDD ko kaso in 2 weeks 37 weeks na kong preggy kaya nag request ako sa HR ng Early mat leave next week na magstart maaga din balik ko since maaga ako nag mat leave. BPO din po ko nag wowork wfh at graveyard shift hirap na din talaga maupo ng matagal. Para sakin mas maganda na din na naapprove early mat leave ko kesa mag LOA ako wla kasi bayad un pero nasa sayo padin yan. Kung maaga man kasi ako pabalikin meron naman extended mat leave or pwede din magamit leave credits. Tsaka kung maaga man ako bumalik naka wfh naman kaya medyo ok lang din. Nasa sayo po yan mamshie kung hirap na po pwede po magrequest magagrant naman po request natin wag na ung mismong full term kana tsaka ka palang magrequest baka mas lalo mahirap un.
Magbasa paHi mie, much better naag request kana kay OB. Same industry tayo BPO and kahit WAH ko ang hirap nung July 31weeks ako pero before ako dumating ng 31 weeks nahihirapan na talaga ako lalo na sa umagaay alaga pa ko eldest ko. Hindi ko sinunod hubby ko pinaglleave na nya ko, ayun nung 31weeks ako nakaramdam ako ng pananakit ng puson tapos hirap na maglakad na parang nagllabor and may brown discharge, pagkapa check up ko open cervix na pala ko 1-2cm mas nag delikado kami ni baby laya wala nagawa si company naka LOA ako until aug28, after nun tsaka palang ako ipagffile ng mat leave sept 18due ko. mas okay mie mag LOA kana para mas safe sa inyo ni baby, iba parin kase lagi tayo puyat nkakakapanghina.. Keep safe sa inyo ni baby 💗
Magbasa pai had the same experience. july 29 p dpat ung start ng mat leave ko pero napaaga n ng july 11. nung sinabe ko kasi sa ob ko na nahhrapan n ko buong maghapon nkaupo sa work and marami n kong nararamdaman like frequent contractions and all, inask nya ko kung gsto ko ng magleave. kya inissuehan nya n ko ng med cert for early leave due to threatened pre term labor hanggang sa delivery na. pwd mo rng sbhin yang mga naeexperience mo sa ob mo, iisuehan k rn ng med cert pra makapahinga k n muna hanggang sa full term mo
Magbasa paYes mi. Pwede yan. Request ka kay OB and tell her yung mga discomforts na nafifeel mo. Pwede ka magavail ng early maternity mommy, try mo ask sa HR nyo. Sakin kasi inoffer yun pero di ko inavail. NagLOA ako before the effectivity of my mat leave, hindi naman ako hiningan ng med cert. Pero baka depends din kasi sa company. Kaya hingi kna lang din kay OB ng medcert.
Magbasa pahi mommy, same case ako rin po nahirapan na sobrang aga ako nag leave sinabe ko yun sa OB ko and na issuehan naman ako ng med certificate. sinabe ko na napapagod na talaga ako sa work at lalo na sa biyahe ko sobrang tadtad na ako naawa ako sa baby ko. kahet gusto ko pa mag work para sa pang gastos ko sa baby mas pipiliin ko parin ung safety ni baby. 1st time mom
Magbasa paang aga ng mat leave mo mi. ako rin bpo, pero non voice at considerate mga boss ko. so kapag naiihi ako, walang problema, gora lang agad sa cr. 12am nga lang shift ko kaya medyo hirap makatulog. 7mos na rin kami ni baby. sa october pa matleave ko. stay safe satin. 💗
Magbasa payiz mi pde. kame from work at home pinabalik kme s site nung July eh mgmamat leave ako Aug p. kya ngrequest ako ng LOA kht hndi bayad ung 1 month ko kysa matagtag ako s byahe. ginawan ako n OB. den after 1 month dun nku ngfile ng ML. JESUS LOVES you mi Godbless
pwede po mi. request ka lng. ganyan din ako nun. 1 month pa nga request ko kasi d ko na tlaga kaya. natatagtag ako. ginawan ako letter ng OB tgen un ung pinasa ko sa office.
oo sis pwdeng pwd ka mag request kay OB mo. ako nung pre-pandemic pa tlagaang tumatayo ako kahit nsa shift or mag CR pra makapag lakad 😅🤣
Your own OB won’t judge you. Karapatan mo yan mmy. Above all, wag isipin ang sasabihin ng ibang tao. Health is your priority 🤗
Ausome mom of 2 ❤️