Pa help po

Pwede po kaya ako mag request kay OB na baka pwede ako bigyan ng medical certificate na need ko mag LOA? Bpo po kasi work ko. Nahihirapan na po ako sa night shift, nahihirapan na din po ako umupo ng 8 hrs straight. Medyo busy account po kasi, wala po tayuan. 7 months pregnant na po ako, pakiramdan ko po naiipit ko na si baby pag nakaupo. Araw araw pkiramdam ko din parang nabugbog katawan ko sa pagod at sakit, hindi na po maganda pakiramdam ko. Mat leave na po ako sa 26 pero parang di na po ako aabot sa 26 kahit na ba sabihin na tatlong linggo na lang. Hindi po kaya isipin ni OB na baka tinatamad lang ako at di ako bigyan? #pleasehelp #firstmom

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hi mommy, same case ako rin po nahirapan na sobrang aga ako nag leave sinabe ko yun sa OB ko and na issuehan naman ako ng med certificate. sinabe ko na napapagod na talaga ako sa work at lalo na sa biyahe ko sobrang tadtad na ako naawa ako sa baby ko. kahet gusto ko pa mag work para sa pang gastos ko sa baby mas pipiliin ko parin ung safety ni baby. 1st time mom

Magbasa pa