67 Replies
Depende po ata sa OB, ako kasi bale 4 times lang pinapag ultrasound, 1st nung 1month si baby to check condition, 2nd is yung malapit na mag 4 months check condition and monitoring ulit then nung pang malapit na mag 6 months para malaman gender then last daw yung sa 8th month ko kasi naka breech sya so para macheck lang daw kung nakapwesto na ba cephalic or breech parin para madiscuss na if kailangan ko magpa cs.
Yes naman pwede. Nung first trimester ko every 2 weeks ako nasa ob para magpaultrasound at makita si baby na okay haha, nagstart ako mga 5 weeks ata. Magastos nga lang. Pagdating ko ng 2nd tri tumigil na ko montly nalang ako pumunta, asawa ko kase nagpaparinig ang gastos ko daw hahaha.
Every monthly check-up kay OB sinisilip siya through ultrasound. Kasama n po un s consultation fee. Maliban po ung unang ultrasound nanagbigay sila ng print out nagbayad p aq yong s mga sunod n check up wala ng bayad ung ultrasound.
Ako po nung 1st and 2nd trimester halos every 2weeks ako inuultrasound kase may subchorionic bleeding ako at nagspotting din nun.. Safe naman po yung radiation tsaka pra mamonitor status ni baby kaya inaadvise na magultrasound.
Meron yung ibang OB, may sarili silang ultrasound sa clinic nila so every check up may ultrasound na kasama. Ako ayoko ng ganun kaya nagpapa'ultrasound nalang ako 3-4 times sa buong pregnancy ko.
Opo. Ako din monthly nagpapa ultrasound until my baby turned 22 weeks saka ako pinabalik every after 2 months na. ☺ kailangan kasi mamonitor ang growth ni baby lalo na sa first trimester.
Ako sis kasi sonologist OB ko sa clinic nya nachcheck talaga baby. Wala naman radiation ang ultrasound eh. It helps me to be at ease na okay lahat even amniotic fluid, heartbeat etc.
Me sis. OB Sonologist kasi doctor ko, tuwing check up ko inuultrasound ako. 3x pa TVS ko nung first tri. Ngayong 2nd tri once nung August then this Sept uli for my follow up.
Every trimester lang yan sis pero minsan depende sa pagbubuntis mo kong masilan at dapat talaga emonitor si baby. May case na ganyan. Depende sa Ob-gyne din.
Typically 3x lang ang recommended na ultrasound kapag healthy ang pregnancy: Transvaginal, CAS at BPS. Too much ultrasound may harm your baby.
Karen Rose Tibor Garcia