newborn

Pwede po ba painumin ng water ang newborn baby lagi po kase syang sinisinok .

34 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

Hello mommy, try to read this po nabasa ko lang din po tu. (And bwal pa po painumin ng water ung mga newborn after 6mos nlng po) BAHING, SINOK, HILIK, HALAK sa Bagong Panganak Madaling mag-alala tungkol sa iba't ibang tunog na nagagawa ng mga babies natin lalo na ngayong panahon ng pandemiya. Ipapacheck ko na ba si baby? Ipapaospital ko ba? Sana makatulong po itong post na ito. BAHING Normal sa mga bagong panganak o less than one month old ang pagbahing dahil, maliit pa ang ilong nila at hindi pa matured ang sinuses, daanan ng hangin. Minsan binabahing lang din nila yung natitirang fluids sa loob pa ng sinapupunan ni Mommy. As long as hindi umuubo, hindi panay tulo ang sipon, hindi nilalagnat, at hindi mabilis ang paghinga, normal lang po ito. TUNOG BABOY SA ILONG (pero walang sipon) Normal din po ito lalo na sa mga 3mos old pababa. Minsan, mas matanda pa. Bakit? Sa ilong po kasi humihinga ang baby, at napakaliit ng daanan ng hangin kaya ultimo ang "turbulence" ng hangin na pumapasok at lumalabas sa ilong, ay nagkakatunog din. As long as hindi umuubo, hindi panay tulo ang sipon, hindi nilalagnat, at hindi mabilis ang paghinga, normal lang po ito. SINOK Kung mapapansin ninyo, sinisinok din si baby habang nasa loob pa ng sinapupunan ninyo. Ito ay nangyayari dahil minsan ay naiirritate ang diaphraghm ni baby (muscle na nasa ibaba ng baga, nasa itaas ng tyan). Kung ang sinok ay tumitigil nang kusa within 30 minutes at hindi tuloy-tuloy within 48 hours, hindi nasamid si baby, hindi nag-iiba ang kulay na na parang sumisinghap sa paghinga, normal lang po ang sinok na ito! :) HILIK Sa mga babies, napapansin na minsan ay humihilik sila lalo na kung natutulog na nakayuko si baby. Subukan iadjust itingala ng kaunti si baby para maging madali ang pasok at labas ng hangin.Kadalasan maiibsan ang paghilik kapag ganito. Kung sa palagay ninyo ang paghihilik ng baby ay lumalala, nagigising siya dahil nahihirapan huminga, o kailangan ninyo idapa para lang mawala ang hilik o ibang tunog sa throat, ipacheck up na lang po sa Pediatrician o ENT lalo na kung almost 1 year old na at hindi pa rin nawawala. HALAK Minsan napapansin ni mommy na tuwing habang sumususo si baby, may halak/crackles na naririnig sa dibdib at likod. Minsan nakakapa din ito ng kamay. Kung ito ay kusang nawawala after sumuso si baby, hindi siya inuubo o nasasamid, walang lagnat, hindi mabilis o nahihirapan huminga, natutulog ng matiwasay at active, huwag muna magpanic! Ang tawag dito ay TRANSMITTED SOUNDS. Ito ay tunog lang ng gatas na dumadaan mula sa esophagus papunta sa tiyan. Manipis kasi ang dibdib at likod ni baby kaya ultimo iyun ay naririnig o nakakapa ni Mommy. Muli, kung happy si baby, hindi hinihingal, inuubo (iba ang ubo sa samid), nilalagnat, hindi kailangan isugod sa ospital. Kung sa palagay ninyo ay para siyang maysakit, saka ninyo po siya dalhin sa inyong Pedia. Ano ang mahalagang pag-aalaga kay baby? Ipagpatuloy ang breastfeeding. Mas maiiwasan ang samid kung breastfeeding dahil hindi tuloy-tuloy ang tulo ng gatas kapag tumigil na siya sa pag-latch. Kung bottlefeeding, padighayin si baby bago pahigain. Kung maglulungad, ipatagilid si baby para hindi mapunta ang gatas sa baga. Sana nakatulong para hindi na mapraning si MAMA!

Magbasa pa
VIP Member

Hindi po momsh.. 6mos pa lang po pwede painumin ang baby.. Delikado po ang water sakanila... Unless formula milk... And if breastfeeding ka, mas madami po water and dede natin.. Don't worry, the baby is getting enough fluids po..

VIP Member

Normal po sa baby ang sinok since kailangan pa nila idevelop ang digestive system nila. Kusa naman po mawawala yun. Bawal ang water sa babies below 6 months

Helow po sainyo newby po ako dito . Ask kolng po kung anong pedeng inumin ng bagung panganak at nag papa dede pa . Na gamot po salamat sa sasagot 😊

VIP Member

A Big NO po mommy. 6 month-old dapat si baby before sya mag water, di pa kaya ng body nya iprocess ang water. Only bm or fm.

Normal lang po yan sa baby pero wag muna painumin ng water. Breasfeed mo lang sya ang padighayin. Mawawala din po yan

VIP Member

NO. No water, food, and vitamins below 6 months old. Nasa tiyan palang natin sila sinisinok na sila

Wag po kayo mag worry kung laging sinisinok si baby normal lang po sa mga baby yon ,

Hindi pa kaya ng tyan ng newborn ang water at food. 0-6 months milk lang dapat sila.

No mommy... delekado po yan. Until 6 months c baby bfeed o milk lang dapat ipainom