36 Replies

May DOH ordinance na po kasi na bawal mga ftm na manganak sa lying in. Gawin nyo po is magtanong sa mga lying in sa inyo kung willing po silang paanakin kayo don. If hindi, no choice po kundi sa hospital talaga. May mga hospital naman po na matitino. If may budget, pwede rin po sa private. :)

Same here. Cavite area, ayaw na din ng lying in na paanakin ako since 1st baby ito. pero may on call OB naman sila na pwede magpaanak sakin, kaso may bayad na. Hassle naman sa ospital dto, kasi kailangan pumila pa para ma check up, kung may available na slot pa. eh kabwanan ko na. haays

Dito po sa area e. ikaw po? Ipush ko na manganak sa lying in, ayoko kasi sa dasca.

Ako sa lying in manganganak, pwede naman daw nila iaccept pero ang alam ko is di pwede pag midwife ang mag papaanak. Sakin kasi OB ang pinili ko kaya keri naman kaso nga lang di na sya magiging covered ng Philhealth pag sa lying in kahit na OB pa ang mag papaanak.

Kelan due mo sis?

Effective as of august 2019 ung issue na nagbabawal sa mga lying in tumanggap ng first time mother. Pero may nagsasabi na pwede pa nga daw sa lugar nila. Kaya siguro depende na lang sa mga lying in sa lugar niyo kung tatanggapin kayo kung first mother.

For now pwede pa po since ang memo na binaba is from DOH pa lang pa. Need pa po ng memo from philhealth since sila ang magshoulder ng gastos if sa lying in manganak. Kinonfirm ko po sa ob ko last check up. Dami din kasing ftm na dun manganganak.

Hi sis. Sana abot pa tayo. Sept kasi edd ko. And wala pa namang sinasabi sa akin yung ob ko sa lying in kung saan ako nagpapacheck up.

Ako first timer sa lying in ako manganganak.. Ayoko kasi sa ospital. Takot ako pumasok sa ospital ewan ko ba hahaha. Saka nasa isip ko pag marami nanganganak baka di agad maasikaso sa ospital. Pero pag CS ererefer nila sa ospital

Gnyan din iniisip ko eh. Kaya ayoko talaga sa ospital

VIP Member

Hanggang this August nalang po. Yung OB ko sa lying in sinabihan na po ako eh na kapag di ako umabot ng August sa ospital na daw talaga ako manganganak

ako 38 weeks na and sa lying in ako manganganak nakapag pasa na rin ako ng philhealth requirements sakanila okay naman tinanggap naman nila

Pwede naman po sa lying in pero mas mabuti pa din po kung may record kayo sa hospital in case na ma CS at di kaya sa lying in.

Ako po sa lying in ko balak manganak, 39weeks na ko momsh. Ang alam ko kase as long as OB ang mag papaanak sayo ok lang.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles