Bawal na manganak sa lying-in pag panganay

Im 35 weeks pregnant at ngayon lang ako nainform ng midwife ko na bawal na manganak sa lying-in kapag panganay worry tuloy ako kc malapit na ko manganak advise nman mga momsh kung san murang hospital manganak around qc area

45 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

done with my check up yesterday. na discuss nga po nung midwife ko na may pinalabas na na memo at gi awa ng batas. pero as of now pinaglalaban pa din ng mga private lying in and so far as long as kaya ni mommy and walang complication or problem tinatanggap pa din nila.

un din sabi sakin nang medwife nung martes... pwede naman daw manganak sa lying in un nga lang d na dw magamit ang philhealth...mas kampante aq sa lying in malapit lang samin ang layo kc nang public hospital dtu samin.... every month naman aq ngpapa check up sa kanya

VIP Member

Ako nga kahit wala pang memo about jan sa hospital ko na talaga balak manganak eh para incase na macs nasa hospital na 'ko kahit na sa lying in ako nagpapacheck up. Panganay kasi eh, gusto ko sure at safe.. Btw, sa East Ave. Hospital po Located sya sa QC 🙃

VIP Member

Sa East Ave. po. Semi private 20k total bill ko and bill ni baby normal delivery. Pero naka indigent philhealth ako kaya nalibre. Pero may Swa naman po sa East Ave dipende po sa Class na ibibigay sa inyo base sa interview, pag class D wala ka ng babayaran. :)

5y ago

Hi po pwd ba un private ob sa East ave. Tpos pwd apply ung swa?

as long walang komplikasyon sa pagbubuntis Nyo po pwede po kayo manganak sa lying in.... Ang alam ko po Yung mga PYP at may komplikasyon sa Pag bubuntis Ang hindi pwede manganak sa lying in... hospital po tagala

oo nga .. nito lang din sinabi saken na bawal na daw manganak ang mga primer sa lying in ayon daw po sa doh at philhealth. pero yung ob ko ni refer niya ko sa ospital na dumuduty din siya 😊

san pong lying in kayo pumunta ? opo bawal po magpaanak ang lying in ng panganay lalo na po pag bata pa , ako second baby ko lying in ako 20 yrs old ako nun ..

Lah pano kung sa lying in talaga inabutan? Napakatraffic ngayun kung magoospital pa baka mapaanak tau sa taxi 😩 kung sa lying in malapit lang. Hay nu bayan

5y ago

Pwede nmn sis Kung emergency at dun ka tlaga inabutan. Wag lng intentional n dun tlaga plano niyo.. worried lng ung DOH Kaya nag labas memo.. tumaas Po Kasi namamatay n nanay sa panganganak ng panganay at pang Lima pataas Kaya gumawa sila contingency plan n sa hospital para macheck ng MButi kc kumpleto gamit ska pwede mag salin ng dugo for complications.. Magaling nman Po mga midwife natin. My mga pasaway lng n nanay n d nag papatingin tpos pag nanganak sa lying in madami pala kumplikasyon ung baby at nanay Kaya npapahamak.. maiiwasan kc un Kung sa hospital nanganak kc kumpleto ng gamit. Pero skill wise magaling PO ska maalaga mga midwives..

Memo pa lng naman dw, di pa naisatupad ng DOH. Choice na lng ng lying in kung tatanggap sila o hindi pro ako sa lying in ako manganganak.

VIP Member

Sabi din ng ob ko kahapon bawal daw manganak sa lying in kapag panganay. :( try mo sa east ave kung tatangap sila or sa labor. (qmmc)