Hi po can anyone help me

Pwede kaya ako bumiyahe ng ganto ka layo? 17 weeks preg. Baka may naka expirience sa inyo bumiyahe ng malayo. Last month i ask my ob kung pwede na ko gumalaw galaw. Kasi na confine ako due to maselan na pag bubuntis. Sabi niya pwede na na gumalaw. Included ba dun ang pag biyahe. Tia.

Hi po can anyone help me
34 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako lagi nagbabyahe kasi sa ob ko pa sa province ako nagpapacheck up kasi dun ako manganganak. Ayaw ko dito sa manila dahil ung ob dito di maalaga ang mahal pa ng fee niya. Kaya halos byahe kami pero may sarili kming kotse kaya ayos lang pag byahe ko. Mula nalaman kong buntis ako hanggang ngayong 8 months na tiyan ko bumabyahe parin ako twice a month. Okay naman baby ko sa tiyan masakit lang sa likod at legs ngawit kasi sa pag upo. Basta ingat lang sa daan

Magbasa pa
5y ago

Opo totoo un. Ung ob dito sa makati 3 hrs ko inaantay tapos nung nagcheck up na siya sa akin 10 minutes lang nagtatanong ako sa kanya kasi feeling ko di ako okay. Pero panay "wait lang ha"ang sinasabi niya kasi busy siya sa cp at pagkaen niya pero sayang kasi ung consultation fee na 1k tapos wala nman naisagot sa akin. 😄 kaya bumalik ako sa ob ko sa province ung nagpaanak sa akin sa panganay ko. 250 lang fee ng ob ko sa province pero lahat ng tanong may sagot at mabait pa. 😄😄

Kung maselan ang pagbubuntis mo wag ka ng bumiyahe commute or hindi... Few weeks before sana ako bbyahe pauwi ng isabela nagspotting ako kaya d na ako pinayagan ng OB na bumiyahe... Until now na 2nd trimester na ako asawa k na lang ang lumuluwas... D na talaga ako bumibiyahe ng masyadong malayo... Para safe si baby...

Magbasa pa

15 weeks ata ako nun bumyahe ako manila to davao tas davao to butuan . Higit isang oras sa airplane 8 hrs sa bus. Ok lang sakin kasi hindi naman ako maselan magbuntis sabi ni ob pero kung maselan ka much better kung wag nalang hindi din biro mag byahe ng matagal masakit sa pwet at balakang jusko.

Wag muna magbyahe mamsh, pero kung may sariling car ka at kailangan talaga, magpaguide ka sa OB mo. Ako noon 13weeks, 6hours commute, balikan ako sa manila weekly, ang naging ending ko, naging maselan pagbubuntis ko, nagspotting ako from time to time.

ako mamsh hndi ko tanda kung 3 months or 4 na ung tyan ko ng boracay kmi ng hubby ko mselan ako mgbuntis pero hndi pako ngkkron ng bleeding that time 5 months ngstart ung spotting ko as long as approve ng ob mo go for it.

3 months tummy ko nung bumiyahe kami ng husband ko papuntang laguna .. tas pauwi standing pa kami mula laguna to cubao 😂😂 wala naman nangyari awa ng dyos .. 😊 pero ingat pa din po .. lalo na kung maselan ..

Better ask your OB po. Kasi ako maselan din po ako nung 1st trimester ko and kahit ngayon na okay na kami ni baby, di po kami pinapayagan bumyahe talaga kahit Manila to Bulacan lang ayaw ako payagan.

may binigay na gamot sakin si OB if in case na makaramdam ng contraction. best daw itake yun 1 hr before mag byahe. pero sabi din nya as much as possible, dapat 5months na before magtravel ng ganun.

Ako po 4mnths nag travel po ko taiwan lakad dto lakad doon almost 4hrs ang lakad kaka pasyal, wla nman po ng yare samin ni baby, although maselan din po ko, bnigyan nya ko ng pampa kapit for 2weeks

From batangas ako sis to bulacan..sobrang nakakangalay ang matigtig talaga as per matatanda,maselan din pregnancy ko..better na wag na lang ikaw magbyahe..medyo matagal tagal na byahe yan.