Ask lang po ng tips during first tri.

Pwede bang humingi ng tips during first trimester? Like yung mga essentials ng mga mommies. Or mga dapat gawin during the first tri? Thank you.

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Firstly, congrats momsh. Ilang weeks ka na po ba now? If you experience morning sickness (na hindi lang pang morning, actually), try eating dry crackers before you get out of bed. Nung ako kasi, yung multivit ko na pang 1st trimester nakakasuka talaga, kaya ginagawa ko, kain muna ng sky flakes bago bumangon. Mahirap din uminom kahit ng water, pero kelangan pa rin uminom, unti untiin mo na lang kasi prone naman ang preggy sa UTI. Always inform your OB kapag may something off sa mga nararamdaman mo, especially kung may vaginal bleeding or pananakit ng puson. Madalas din makaramdam ng hilo, kaya ingat ingat. Take a lot of rest whenever you can. Nakatulong sakin yung vicks vaporub, yun ang inaamoy ko. Lagi ding gutom pag preggy kaya dapat lagi kang may crackers or candy, in case na may ginagawa ka na hindi maiwasan at hindi pa makapagmeal. Konti lang pero hope these help. God bless you!

Magbasa pa
5y ago

Thank u momsh!😊 8th week pregnant na po. Actually, tama po kayo. Akala ko noon morning lang yung morning sickness😂 Napaka sensitive po ng smell ko kahit ano nalang naaamoy. Nakakawala po talagang kumain at kahit moinum ng tubig nasusuka ako. Hirap pongi-achieve nung 8-10glasses a day. Ang ginagawa ko po bumibili ako ng flavored mineral water para lang makainum ako ng maayos. Kumakalam at humahapdi nga po lagi ang tiyan ko kahit madaling araw na. Kaya tina try ko pong kumain kahit paunti unti lang. Madalas rin pong sumakit ang ulo ko mabuti nalang pwedeng uminom ng paracetamol po. Thank u so much sa advice momsh. God bless to u rin po.