💉 PWEDE BA ITO SA BUNTIS O LACTATING MOM?
- Generally YES! Isang bakuna na lang ang hindi pa ina-allow sa buntis at ito ay ang Sputnik V. Ngunit ang ibang bakuna tulad ng Pfizer, Sinovac, Astrazeneca ay maaari na.
💉 KAILAN PWEDE MAGPABAKUNA ANG BUNTIS?
- Kung ikaw ay nasa 2nd o 3rd Trimester, maaari ka nang magpabakuna
💉 PWEDE BA SA BATA ANG VACCINE?
- HINDI PA. Ang mayroon lamang Emergency Use Authorization ay para sa edad 18 na taon at pataas.
💉 COVID-19 AT NON-COVID19 VACCINE, GAANO KATAGAL DAPAT ANG PAGITAN?
- Nirerekomenda ang 14 na araw na pagitan hindi dahil sa maghahalo ang bakuna sa katawan kundi para maiwasan ang pagkalito kung may maramdamang side effect sa alinman sa bakuna
💉 KAILANGAN BANG UMINOM NG PARACETAMOL BAGO O PAGKATAPOS MAGPABAKUNA?
- HINDI lalo kung wala ka namang sintomas. Ngunit kung base sa nakaraang mga bakuna mo ay sensitibo ka at nakararamdam ng side effects, maaari kang uminom ng gamot
💉 MAAARI BANG MAGKAIBA ANG BRAND NG 1ST AT 2ND DOSE?
- Bagamat ligtas ito, HINDI ITO NIREREKOMENDA sa ngayon sapagkat wala pang pag-aaral sa efficacy nito
💉 KAPAG NA-SKIP ANG 2ND DOSE, WALA KA NA BANG PROTEKSYON KONTRA COVID19?
- Nakakakuha ka pa rin ng proteksyon matapos ang 1st dose. Ngunit tandaan na ito ay kulang kaya kung kaya namang buoin o tapusin ang bakuna, gawin ito
💉 KUNG NAGKA-COVID19 NA NOON, KAILANGAN PA RIN BA NG VACCINE?
- OO NAMAN! Nag-iiba-iba ang antibodies sa katawan ng tao. Maaari ka pa ring magka-Covid19 ulit. Tandaan na ang vaccine ay dagdag proteksyon lamang upang maiwasan ang ma-ospital o mamatay nang dahil sa sakit
💉 KAILAN MAAARING MAGPABAKUNA MATAPOS MAGKAROON NG COVID19?
- AGAD-AGAD matapos kang mabigyan ng clearance ng iyong doktor na recovered ka na
💉 NAKAKAHAWA BA ANG ASYMPTOMATIC?
- OO sapagkat taglay pa rin nila ang virus na maaaring maipasa sa iba
Panoorin ng buo ang LIVE SESSION BAKUNA REAL TALKS tungkol sa COVID-19 VACCINE: https://www.facebook.com/watch/?v=1155850731600217
#ProudToBeABakuNanay #AllAboutBakuna #HealthierPhilippines #VaccinesWorkforAll