COVID-19 Vaccine Fast Talk!!
π PWEDE BA ITO SA BUNTIS O LACTATING MOM? - Generally YES! Isang bakuna na lang ang hindi pa ina-allow sa buntis at ito ay ang Sputnik V. Ngunit ang ibang bakuna tulad ng Pfizer, Sinovac, Astrazeneca ay maaari na. π KAILAN PWEDE MAGPABAKUNA ANG BUNTIS? - Kung ikaw ay nasa 2nd o 3rd Trimester, maaari ka nang magpabakuna π PWEDE BA SA BATA ANG VACCINE? - HINDI PA. Ang mayroon lamang Emergency Use Authorization ay para sa edad 18 na taon at pataas. π COVID-19 AT NON-COVID19 VACCINE, GAANO KATAGAL DAPAT ANG PAGITAN? - Nirerekomenda ang 14 na araw na pagitan hindi dahil sa maghahalo ang bakuna sa katawan kundi para maiwasan ang pagkalito kung may maramdamang side effect sa alinman sa bakuna π KAILANGAN BANG UMINOM NG PARACETAMOL BAGO O PAGKATAPOS MAGPABAKUNA? - HINDI lalo kung wala ka namang sintomas. Ngunit kung base sa nakaraang mga bakuna mo ay sensitibo ka at nakararamdam ng side effects, maaari kang uminom ng gamot π MAAARI BANG MAGKAIBA ANG BRAND NG 1ST AT 2ND DOSE? - Bagamat ligtas ito, HINDI ITO NIREREKOMENDA sa ngayon sapagkat wala pang pag-aaral sa efficacy nito π KAPAG NA-SKIP ANG 2ND DOSE, WALA KA NA BANG PROTEKSYON KONTRA COVID19? - Nakakakuha ka pa rin ng proteksyon matapos ang 1st dose. Ngunit tandaan na ito ay kulang kaya kung kaya namang buoin o tapusin ang bakuna, gawin ito π KUNG NAGKA-COVID19 NA NOON, KAILANGAN PA RIN BA NG VACCINE? - OO NAMAN! Nag-iiba-iba ang antibodies sa katawan ng tao. Maaari ka pa ring magka-Covid19 ulit. Tandaan na ang vaccine ay dagdag proteksyon lamang upang maiwasan ang ma-ospital o mamatay nang dahil sa sakit π KAILAN MAAARING MAGPABAKUNA MATAPOS MAGKAROON NG COVID19? - AGAD-AGAD matapos kang mabigyan ng clearance ng iyong doktor na recovered ka na π NAKAKAHAWA BA ANG ASYMPTOMATIC? - OO sapagkat taglay pa rin nila ang virus na maaaring maipasa sa iba Panoorin ng buo ang LIVE SESSION BAKUNA REAL TALKS tungkol sa COVID-19 VACCINE: https://www.facebook.com/watch/?v=1155850731600217 #ProudToBeABakuNanay #AllAboutBakuna #HealthierPhilippines #VaccinesWorkforAll