Totoo ba ang aswang?Anong kwento mo mommy?

Puro panaginip lang po yung sakin saka nakaamoy ako sobrang lansa 😑.Pero meron din sobrang baho parang dumi ng manok.Tas one time may kumakatok bintana ko madaping araw 3x sya bumalik balik (wala po ako kasama sa kwarto) Kaya kinaumagahan para pangontra nagbalot ako ng bawang,posporo,asin,tas palaspas sa pulang tela pinaperdible ko sa tapat ng pusod ko tas naglagay ako gunting at rosary sa headboard ko..Kayo po?🤔 #bantusharing #theasianparentph #randomtalks #pregnancy #firstbaby #horrorstory #advicepls

Totoo ba ang aswang?Anong kwento mo mommy?
5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Totoo po ung di naririnig ng buntis ung nabisita sa bubong ng bahay tanging mga kasama lng kasi po wala din ako naririnig pero madalas sinasabi ng lolo ko na natutulog sa balkon na may mahuning ikik malapit sa bahay. Tanging napapansin ko lng po eh pag inabot akong panlaw na di ako makatulog parang may something sa paligid pero baka imagination ko lng un. Madalas po pati mas mahimbing tulog ko pag katabi ko pusa ko parang safe ako. Sapalagay ko lng naman toh mga momsh pero i believe naman po di lng dun sa over exagerrated na kwento ng matatanda para lng takutin ang buntis

Magbasa pa