grabe mga buntis lahat halos may ubo at sipon 😭

puro nababasa ko dito ay about sa ubo at sipon, hindi ako sakiting tao sa loob ata ng 3 taon ngaun lang let ako inubo at sinipon at grabe ang hirap 😭 naka suob na ako ng asin at vicks, kalamansi juice, dalandan as miryenda, warm water, asin with warm water pang gargle😭 eto ako baradong barado pa din ang ilong at sobrang kati ng lalamunan to the point na masakit na kakaubo 😭napaka hirap kawawa si baby naaalog sa loob kaka ubo at bahing 😔kaka start ko lang mg FLUIMUCIL as per OB. Nalulunod na din ako kakatubig 😭 baka may iba pa kayong remedy bukod sa nabanggit ko. Gusto ko ng matulog at huminga ng maayos. Awang awa na ako sa baby ko sa tyan 😭 5 mos pregnant . #1stimemom #advicepls

34 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nung 5mos. din ako momsh inubo din ako at sinipon ng grabe halos isang linggo akong di nakatulog ang ginawa ko po nagpacheckup tas binigyan ako ng antibiotic bale dalawang gamot yun isa sa umaga yung isa sa gabe yung tinutunaw sa tubig na lasang sprite tas pag tanghali pinapainom ako ng byenan ko ng pinakuluang luya na may kunting honey kinabukasan lang naging ok nako at nakatulog ng maayos pero yung gamot kailangan itake for 7days. simulan nun awa ng diyos di nako inubo at sinipon ulit kabuwanan ko na ngayon nag iingat din ako na di na ubusin dahil required ang swab sa ospital pag nanganak ako pag nagpositive ako kailangan ko pang magtagal sa ospital kaya doble ingat nako.

Magbasa pa
3y ago

Inubo po ako pero water therapy lang ako at yung mga vitamins na nireseta na pangbuntis ang iniinom ko palagi. Ayaw ko nang magtake ng kahit anong gamot, mapa antibiotics man yan o hindi kasi ganyan nangyari sa first baby namin nalaglag dahil sa matapang na dosage ng gamot. Kaya lagi din akong nagdadasal na maging healthy kami pareho ng anak ko ngayon kasi hinintay namin to ng 2 years. Hindi din ako palalabas kasi natatakot din ako kung lalabas man ako nakafacemask ako. Kahit gusto Kong magsimba ayaw ni hubby ingat na ingat na siya sa akin kaya Sabi niya sa online masses nalang ako makinig. Dahil Ang pagdadasal naman daw ay kahit saan ka basta bukal sa puso mo na kausapin Ang Diyos.

Related Articles