grabe mga buntis lahat halos may ubo at sipon 😭

puro nababasa ko dito ay about sa ubo at sipon, hindi ako sakiting tao sa loob ata ng 3 taon ngaun lang let ako inubo at sinipon at grabe ang hirap 😭 naka suob na ako ng asin at vicks, kalamansi juice, dalandan as miryenda, warm water, asin with warm water pang gargle😭 eto ako baradong barado pa din ang ilong at sobrang kati ng lalamunan to the point na masakit na kakaubo 😭napaka hirap kawawa si baby naaalog sa loob kaka ubo at bahing 😔kaka start ko lang mg FLUIMUCIL as per OB. Nalulunod na din ako kakatubig 😭 baka may iba pa kayong remedy bukod sa nabanggit ko. Gusto ko ng matulog at huminga ng maayos. Awang awa na ako sa baby ko sa tyan 😭 5 mos pregnant . #1stimemom #advicepls

34 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

👶 hello ako po ung nag post 👶 hindi din po ako malimit nalabas ng bahay, ang labas ko lang check up at simba kapag sunday making sure na nakahiwalay kme sa mdmeng tao sa church (lage kme lang sa upuan na pahaba ng hubby ko) lage din ako nka face mask at naka alchohol. NOW nagtext ako sa ob na baka pwede naman ako icheck bukas kase baka bumubuka cervix ko kakaubo. Kaso gusto nung sec. online nlang, e sbe ko paano machecheck ng OB ang cervix ko kung online kme mg uusap. Ayaw din siguro ni OB since may ubo at sipo nga ako) tuesday night lang ito, mismong gabing yon nagsuob ako agad ang miryenda ko sa gabi mula 1st tri until now is ponkan or dalandan. Di ko ineexpect na tatamaan pa ako ng sipon at ubo. Napaka hirap pati ospital tinatanggihan na ako, kawawa naman si baby ko. Patuloy pa din ako sa gamot na reseta ni doc at mga home remedies ko. Kapag after 5 days di ako gumaling mag papa swab na ako 😭 kawawa naman si baby ko. 😭

Magbasa pa

Ako naman 6mos tummy ko nung inubo’t sipon ako, grabe din stress ko nun at worry kay baby kada uubo ako naninigas tyan ko. D ako nagpacheck up nun momsh ayoko kasi uminom ng khit anung klaseng gamot lalo antibiotic. Home remedy ko lng gargle ng warm water with salt 3x a day, lemon juice with warm water umaga’t gabi before bed time. D kasi advisable ang kalamansi juice kapag may sipon, ok lng sa ubo pag may sipon ka lemon juice na dapat mas effective. Tapos lagi akong may dalang vicks inhaler laking tulong din sa baradong ilong. Maya’t maya din ang inom ko ng warm water pra mawala ung kati ng lalamunan ko. Un lang gnawa ko momsh tyaga lang tlga ayun awa ng Diyos gumaling naman na ubo’t sipon ko.

Magbasa pa

Nung 5mos. din ako momsh inubo din ako at sinipon ng grabe halos isang linggo akong di nakatulog ang ginawa ko po nagpacheckup tas binigyan ako ng antibiotic bale dalawang gamot yun isa sa umaga yung isa sa gabe yung tinutunaw sa tubig na lasang sprite tas pag tanghali pinapainom ako ng byenan ko ng pinakuluang luya na may kunting honey kinabukasan lang naging ok nako at nakatulog ng maayos pero yung gamot kailangan itake for 7days. simulan nun awa ng diyos di nako inubo at sinipon ulit kabuwanan ko na ngayon nag iingat din ako na di na ubusin dahil required ang swab sa ospital pag nanganak ako pag nagpositive ako kailangan ko pang magtagal sa ospital kaya doble ingat nako.

Magbasa pa
2y ago

Inubo po ako pero water therapy lang ako at yung mga vitamins na nireseta na pangbuntis ang iniinom ko palagi. Ayaw ko nang magtake ng kahit anong gamot, mapa antibiotics man yan o hindi kasi ganyan nangyari sa first baby namin nalaglag dahil sa matapang na dosage ng gamot. Kaya lagi din akong nagdadasal na maging healthy kami pareho ng anak ko ngayon kasi hinintay namin to ng 2 years. Hindi din ako palalabas kasi natatakot din ako kung lalabas man ako nakafacemask ako. Kahit gusto Kong magsimba ayaw ni hubby ingat na ingat na siya sa akin kaya Sabi niya sa online masses nalang ako makinig. Dahil Ang pagdadasal naman daw ay kahit saan ka basta bukal sa puso mo na kausapin Ang Diyos.

2 weeks ago momsh, I almost experienced the same. Pero the minute kasi na maramdaman ko na pakati ang lalamunan ko at parang sisipunin ako, inagapan ko na. Inom agad ng calamansi juice, suob, rest and super daming water intake. Avid follower kasi ako ng "prevention is better than cure". Kidding aside momsh, at this point, there's nothing you can do but to take your prescribed medicines, boost your immune system and rest. It's important that you boost your immune system. My first pregnancy didn't end well because of colds and flu non. Kaya siguro super praning din ako now basta may maramdaman akong kakaiba.

Magbasa pa
2y ago

ilang weeks nag failed ang first pregnancy mo mommy?

Same mumsh. Kakapasok ko lang nun sa office from bed rest. One week akong sinipon ubo lagnat. Wala nireseta sakin na kahit ano yung OB ko, basta tuloy tuloy lang prenatal vitamis and pinag isolate lang ako. Nag natural home remedy ako. Uminom lang ako ng lemon, luya may konting honey and naligo ng pinakulan na bayabas and natulog ako ng natulog tapos more on tubig and fruits. Ayun, after a week nawala din. Pinag rt-pcr nga lang ako. Then monitoring ng bp, oxygen and heart rate, importante yun mumsh kapag may sakit ka.. Kase kawawa si baby sa loob..

Magbasa pa

Ako po nagkafever, then cough and colds, nung pagcheck up ko nagpositive ako sa covid. Ingat lang po mga mamsh, safest med is Paracetamol lang. While sick, continue pa rin prenatal vitamins at double ang vit. c, ginawa ng doktor 2x a day Ang Ascorbic ko, then binigyan na din ako ng antibiotics. Sa mga may symptoms, better pacheck up na din po kayo, have cbc, UA, antigen test, and only take prescribed meds by ur OB or GP doctor. So far, 5days na ko sa isolation and soon to be finished sa quarantine. Sa lahat po ng mga mamsh, ingat po lahat.

Magbasa pa

same tayo mommy. hindi rin ako sakitin before. 5 months narin ako pregnant ngayon. Hindi ako niresetahan ng gamot ni OB ko basta natural remedy lang katulad ng ginagawa mo. Concern ko rin yan na baka naapektuhan si baby, hindi naman daw po basta hindi ka rin magkaroon ng mataas na lagnat. BTW, 2x na ako nagkasakit. Isa nung 1st tri then itong 2nd tri ko. Parehas more than 1 week pa ako gumaling. Basta wag ka mapanghihinaan ng loob. Lakasan mo lang din sarili mo 😊

Magbasa pa

ako ganyan din 1 week inubo tapos makati lalamunan neresitahan ako ng doctor ng cefalexine wala epekto parang lalong lumala.. hirap na hirap ako kasi pag kumati lalamunan ko walang tigil ubo ko at naiihi ako pag umuubo neresitahan ako ng doctor ng antihistamin aun 2 days lg bumuti pakiramdam ko nawala kati ng lalamunan ko at minsan nlng ubo ko d na masyadong pahirap tulad ng nakaraang araw

Magbasa pa

5.months din ako nung inubo't sipon ako, ang ginawa ko lang po kapag nag sasaing ako yung Am/Um (basta yung sabaw galing sa kumukulong kanin) Tinitimplahan ko with Origano, kunting asin, isang kalamansi, at isang sibuyas bali yun ang ginagawa ko pag ka gabi... tas trinay ko pa mag salabat yung ginger po. Hirap talaga kapag may ubo't sipon, di narin maiwasan mag worry kay baby sa loob.

Magbasa pa

ako din yung ng months ako, sinipon ako, buti nalang yung ubo hindi ngpatuloy, kasi nung parang uubuhin na ako, makati yung lalamunan ko, ginawa kolang ko gargle po ng pure calamansi, as in,shaka ginawa kung tubig ang calamansi pero walang asukal dapat....yan ininom ko at garglea ulit, salamat sa diyos hindi nagpatuloy ubo ko, ngayon sipon nalang...inom lang ako tubig..

Magbasa pa
Related Articles