grabe mga buntis lahat halos may ubo at sipon 😭

puro nababasa ko dito ay about sa ubo at sipon, hindi ako sakiting tao sa loob ata ng 3 taon ngaun lang let ako inubo at sinipon at grabe ang hirap 😭 naka suob na ako ng asin at vicks, kalamansi juice, dalandan as miryenda, warm water, asin with warm water pang gargle😭 eto ako baradong barado pa din ang ilong at sobrang kati ng lalamunan to the point na masakit na kakaubo 😭napaka hirap kawawa si baby naaalog sa loob kaka ubo at bahing 😔kaka start ko lang mg FLUIMUCIL as per OB. Nalulunod na din ako kakatubig 😭 baka may iba pa kayong remedy bukod sa nabanggit ko. Gusto ko ng matulog at huminga ng maayos. Awang awa na ako sa baby ko sa tyan 😭 5 mos pregnant . #1stimemom #advicepls

34 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ako din😭. Kung kailan papasok na ko sa work at katatapos lang ng 2 weeks bed rest ko. Halos miryendahin ko na din araw araw ito dalandan, kalamansi at lemon. Walang gamot na nireseta sakin...water lang daw at vitamins c. Gusto ko sana mag fluimucil kasi gamot ko na yan noong dalaga pa ko, pero hindi sakin. Pinag RTPCR, CBC at X-ray pa ko😥.

Magbasa pa
2y ago

kamusta po mi ang result? kakablik ko lang din sa office e...although wfh naman ako from 2 mos bed rest naman.. nsa bahay lang tlga ako literal

Yan din iniiwasan ko ubuhin :( once a week nagpapalaga ako ng luya tapos nialalagyan ko honey at lemon mukang effective naman 12weeks na po ako at dipa naman inubo at sipon🙏🏻🙏🏻🙏🏻 Takot ako magpa booster mga mi kasi grabe ang lagnat ko sa moderna last year. Basta ingat nalang at lagi mag facemask pag nasa labas tayo.

Magbasa pa

sakitin rin ako mamsh nung nagbubuntis pa ako may time nun na nilalagnat pa talaga ako ng sobra grabe takot ko kasi nakaka affect daw yun sa baby pero thanks God wala naman , yung ubo at sipon Lemon lang po gamot jan, tubig na may lemon yung gawin mong water na iniinom mo lage at pahinga rin iwas muna sa stress

Magbasa pa

SINUPRET ang nireseta sakin ng ob ko. Effective naman sya sakin. Hirap din ako sa baradong ilong at pag ubo ubo nakakaawa si baby lalo sa gabi dun ako inaaatake ng ubo 😭 mabuti at kaya ko naman ilabas ang plema. Get well soon satin mga momshies makakaraos din tayo 🤗🙏🏻🙏🏻🙏🏻

hi ☺️ 5 mos pregnant here.. reseta sken ni doc fluimucil 2x a day at dextromethorpan (robutussin) 3x a day. Plus steaming..1 week kapag di nakuha proceed to swab ako. Ingat po tayo mga mami. Doubted din ako sa gamot na reseta pero galing naman sa OB ko kaya i should trust her ♥️

Ako po nag salbutamol nebulizer. Pwede naman daw sabi ng ob ko. 5 days na kasi ang ubo ko hindi mawala kahit anong kain ng prutas at inom ng salabat with honey. Kasi yung ubo ko pala ay allergy dahil sa pabago bagong panahon. 1 take lang ng salbutamol(pausok) nawala na agad ang ubo ko.

hi mii same tayo inuubo at sinisipon din ako, 5months preggy na din ako. 3weeks nakong inuubo at di ako makainom basta ng gamot kasi natatakot ako. Kahit anong gawin kong water therapy, pagkain ng prutas wala pa rin effect. Hindi pa kasi ako makapunta kay OB kasi wala pang budget.

Same tayo sis. 3days nakong sinisipon nahihirapan ako huminga and kala mo may nakabara lagi sa lalamunan ko. Naawa din ako kay baby pag bumabahing, feeling ko sinisipon din tuloy sya. Di naman ako lumalabas ng bahay, lalabas lang pag check up. Siguro sa panahon din kaya ganito

Mga mommies, get yourself tested for COVID. Tumataas na ang rate ulit ng COVID. Follow your OB's advice lang po, kapag di tumalab ang unang reseta, follow-up check-up po. Better to have FLU VACCINE na rin mga mommies, and covid booster.

Katatapos ko lang din siponin at lagnatin, pero di rin nag tagal awa ng Diyos, nag gargle lang ako warm water with asin tapos bago matulog uminom ng salabat at sa umaga pag gising, yung pure na luya pakulo-an mo.

Related Articles