Poop?

Pure breastfeeding po si baby.. 1 araw na po syang di nadumi, may kabag din po si baby, utot naman sya ng utot, yun nga lang po di pa sya nadumi.. Ano po kaya pwedeng gawin?

30 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

wait mo lang mommy. lagi mong lagyan ng aceite ang tyan, bunbonan,paa,likod,pwet at ilong ni baby. yan yung mga sentido nila. dahilan kung bakit nag kakaroon ng kabag sipon at ubo. wait mo lang tatae din yan. yung sa baby ko ang ginagawa ko sinusundot ko yung pwet nya ng tuba yung napaka liit lang tapos nilalagyan ko ng aceite, para di siya masktan tapos sinasabayan ko ng masahe sa kamay sa tuhod at paa niya. nakita ko lang sa youtube yun. ginawa ko sa baby ko at yun naka popo naman siya.

Magbasa pa
6y ago

oo naman. konti lang yun may maamoy lang syang aciete. iwas lamig at sa sipon

Normal lang po. Nagask ako sa pedia ng baby ko sa 1st few days or weeks ni baby poop sila ng poop then bigla hindi magpoop ng ilang araw. Normal lang daw po dahil nagiiba iba rin daw po pattern. I thought at first na baka hindi nakakadede ng maayos baby ko sakin (pure breastfeeding) pero pedia told me not to worry cause it's normal

Magbasa pa

Sa bowel movement ni baby. Its very normal na di sila magpoop araw araw. Sa kabag naman, just make sure every after feeding napapaburp mo sya and tummy time kay baby can also help. if kabagin pa din imassage ko lang yung tiyan and upper part ng pwet nya para mautot sya.

Maglagay ka po ng aciete de manzanilla 2-3 times a day. Tapos maraming tubig lang po. Then every morning patakan yung pwet ng maligamgam na tubig habang nakataas yung dalawang paa. Self teaching daw tawag dun sabi ng pedia ko.

Sa Akin sis 3 mos na baby ko, 3-6 times a day sya ngapopo since birth... Normal lng Mn daw yan if Hindi mkapoop pero may nabasa ako if Hindi daw masyado nkapoop si baby wla daw enough milk na naiinom

VIP Member

Kapag breastfeed nornmal lang na hindi PA napoops si baby. Lagi mo siyang ipaburp, after breastfeed, iangat mo agad si baby (kargahin) Kapag ibbreastfeed mo naman wag kayo parehas nakahiga.

Hindi po ata kinakabag ang EBF babies.. Normal po di magpoop si baby everyday. Baby ko nga every 4 days hehe ibig sabihin kasi nub, nacoconsume nya lahat ng Nutrients sa breastmilk.

VIP Member

pag ebf po gang 1 wk po pwede di mkapoop c baby. massage po at ipa burf nu lng din po xa after feeding pra di mkabagan😊

VIP Member

Kuha ka ng cotton buds ipalibot mo sa napapalibutan ng butas ng pwet ni baby tsaka ibicycle exercise mo siya😊.

Baby q nga mg 2month and 4days na sya tuwing 2days or 3days bago sya nag dudumin haplsan m lng lagi ng Manzanilla