My 2nd dose of Booster Shot

Pumunta ako upang mamalengke ngunit umuwi akong bakunado 💪🏼 Gusto ko lang i-share sa inyo yung experience ko noong nakuha ko ang aking 2nd dose ng booster shot nong August. Habang waiting kami noon dito sa baranggay namin kung kelan ang schedule namin since may announcement talaga, at aware ako na pwede ko na din makuha ang 2nd dose ng aking booster shot ay sinunggaban ko na nong makita kong nandon at open sila noon sa public market. Nakakatuwa kasi gaya ko, napakaraming excited makuha ang 2nd dose nila, mapa senior man o maging sa aking kapatid din na kasama ko noon sa araw na ito. Nasabihan narin ako ng posibleng pagtanggap ko ulit ng susunod 🤗 Bakit sa public market, safe ba? Opo, safe po. As long as hindi nakaexpose, nakaopen, at nasa labas ng container ang mga vaccine. Ano ang naging requirements? Ipinakita po namin ang aming vaccination card at mayroon pading assessment bago turukuran. Usually gaya din ng dati, at tatanungin ang previous experience mo noong first booster mo. Bilang isang nanay, fear ko talaga ang magkasakit. Lalong lalo na if ako pa mismo ang pwedeng magkalat o makahawa sa mga mahal ko sa buhay. Kailangan talaga natin maging bakunado upang matulungan ang ating immune system na lumakas 💪🏼 Happy and healthy nanay here! 🤍

My 2nd dose of Booster Shot
3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

good jab 💪💉