epal na byenan

P****ta makakapatay na ko ng byenan kundi lang sa anak ko! Alam ko marami po dito may mabubuting byenan pa ampon nalang po. Sobra na byenan ko bigla bigla nalang dumarating sa bahay sumakto pa galing kami grocery syempre po wala naman malapit na grocery dito samin tapos walang sari sari store kaya kapag nag gogrocery kami good for 1week tapos mga snacks namin lalo na kay lo. Nagdatingan pa order namin sa shopee mga diaper at iba pa pero mga kaylangan ko naman po yun tapos yung iba mga pony tail ni lo. Mahaba kasi buhok nya. Eto na mga momsh nakiinom si bruha umaasta daw ako mayaman puno yung ref. (Hindi naman po kasi mauubos agad yung iba dun kaya napupuno dahil may natitira pa nung mga nakaraan na grocery minsan yung pasalubong ni hubby or bigay ng mga friend namin like cake ) Dami daw pinamili dami daw inoder online bago ganito bago ganyan. (Gusto ko tanungin kaylan po ba kami bumili ng gamit) Paisa isa kami bumili ng gamito saka 1year palang kami nakalipat kaya yung bahay at gamit parang mga bago pa. Kukunin nya daw atm ng anak nya. Sabi ko sige po. (Mabilis lang naman ipablock yun?) Akala mo auditor kung maka ikot sa bahay tapos kapag nagustuhan nya kukunin sa anak naman daw nya pera yun. Tapos eto pa yung lamesa kong tagal kong inasam asam na regalo sakin ni hubby nung birthday ko aba kaymahal nun aah tapos sasabihin nya lang . Iuuwe ko na to aah sira na lamesa sa bahay namin. Me????? Isa pa yung upuan kong pa isa isa kong binili punyeta hindi ako bumili na mga damit ko kahit pinipilit ako ng asawa ko tapos mga naipon ko rin yun dahil sa pagbebenta ko ng mga bags. Kukunin din nya punyeta sya.! Naiinis na ko Sasabihin pa kapag nalipat si daddy nyo ma assign dito sa lugar nyo dito na kami titira tutal 2 naman kwarto. Me:what the??? 2 kwarto isa kay lo isa samin ni hubby kapag may bisita dun samin natutulog si lo. Aba! Sobra na ata aah gusto ata mg byenan ko sa kanila mapunta lahat ng pinaghirapan namin mag asawa akala ata nila anak lang nila nagastos sa lahat. Sinabi ko kay hubby yan na kausapin nya nanay nya kundi magsasalita na ko. Ayun pumunta sya sa kanila kinabukasan nung gabi may natanggap akong chat wala daw akong kwentang tao sana daw hindi na ko nakilala ng anak nya. Me.. Ay sana nga para hindi ko narin kayo nakilala masaya buhay ko non naging impyerno lang nung nakasama ko kayo!

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kung hindi mo sila nakilala hindi mo din kasama anak mo ngayon. Mag pasensya kana lang. Hindi mo naman sila makakasama habang buhay. Hindi naman ganun kahaba life span sa Pilipinas.