Free swab test
                                        To all pregnant moms we have here. Please share this. Libre ang swab test ng mga buntis. Nagparegister ako ng friday, tinawagan ako ng monda
                                    
                                    
                                        
                                        
                                            QUEZON CITY COMMUNITY-BASED TESTING RESERVATION REQUEST
                                            MGA PAALALA:
1. Upang makontrol ang dami ng pasyente sa bawat CBT at masigurado na sapat ang supply ng test kits, tanging confirmed appointment lamang ang ating tatanggapin. Bawal ang walk-in.
2. Matapos mag-submit ng request, makatatanggap ng tawag ang pasyente para sa verification ng kanilang basic information. Kukumpirmahin ng ating CBT team ang appointment sa pamamagitan ng confirmation text message na ipadadala sa ating pasyente.
3. Dahil sa dami ng kailangang ma-test at limitado ang supply ng test kits, ang mga CBTs ay ilalaan para sa mga close contact ng positive patient, indibidwal na may sintomas ng COVID-19, at sa mga indibidwal na mas nangangailangan ng testing.
4. Kung ang pasyente ay nagpositibo sa Antigen Rapid Test, siya ay ibibilang na CONFIRMED COVID-19 case at agarang ipadadala sa HOPE Caring Facility. Ito ay upang maingatan ang ating komunidad at pamilya ng mga pasyente sa tuluyang hawaan ng sakit.
Ang submission ng Google Form na ito ay nangangahulugan na nabasa, nauunawaan, at sumasang-ayon ang pasyente sa lahat ng mga paalala na ito.
                                        
                                    
                                
Jam Barbosa