hi ano po ba mangyayari sa baby kapag may uti si mommy worried lang po may uti po kasi ako now

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Momsh ano sabi ni OB mo? May tinitake ka na ba na antibiotics? Dapat makainom ka ng gamot at increase mo orals fluids.. Possible mag premature labor or pwede din maipasa sa baby ung infection na tinatawag na sepsis... Sa case ko manganganak nalang ako saka pa ko nag ka UTI.. Untreated kasi days nalang kelangan ko na manganak kasi sched CS ako ng 37weeks dahil breech at GDM din ako.. Kala ko dun lang nagtatapos ang lahat na mailabas ko na si baby.. Unexpectedly nagkacomplication si baby ko dahil sa UTI ko nagka Neonatal sepsis siya at nagka mild pneumonia kelangan maiwan for 7days sa NICU dahil sa monitoring and antibiotics. Di biro ang gastos momsh.. 100k plus Cs ko nadagdagan pa ng 100k sa NICU ni baby.. Pero ang importante gumaling siya at very healthy baby na siya after madischarge sa nicu.. Kaya momsh papagaling ka.. Sundin mo si OB mo kung ano dapat inumin mo at lagi ka magdasal na healthy ang baby mo.. Yes prone ang mga buntis sa UTI pero treatable naman yan tiwala ka lang mi

Magbasa pa
3y ago

Same ng nangyari sakin sis. Nung 1st baby ko di ko naagapan yng uti ko nag premature labor ako 34 weeks nanganak ako.. Naka sepsis ung baby ko hanggang sa namatay siya.. Kaya ngayon 2nd baby ko sobrang kiko monitor ko ung uti ko.. Sana nga gumaling na ito bago ako manganak