Physical abuse during pregnancy

#pregnancy Mga momsh sobrang nahihirapan na po ako.. Lalo na po ngayon 36weeks na po akong buntis ni isang gamit o essentials wala ang baby ko.. 😥 😥 😥.. Ni hindi ko din po Alam ang gender nya o kung anong posisyon nya ngayon kase wala pa akong ultrasound.. Sinasaktan pa po ako ng asawa ko.. Pati nasa tiyan ko hindi nya sinasanto hinampas nya po ng libro tapos kung hindi pa ako nagmakaawa tatadyakan niya pa sana.. Hirap na hirap na po ako.. Sana matulungan nyo ako..

Physical abuse during pregnancy
169 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sa panong paraan mo ba na gusto kang matulungan momsh? Kung financial help ang need mo, hindi ito yung tamang platform kase bawal ata sa TAP yung manghingi ng donation. Pwede ka siguro magpost sa fb or lumapit sa mga kamag anak mo or kaibigan na pwedeng mautangan and mahingan ng mga baby essentials like pinaglumaang baru baruan since madali lang lumaki ang mga baby. Kung siswertehin baka may mga mommies dito na may naitabi pang baru baruan ng baby nila na pwede pa mapamana sayo. Sa ultrasound and check up momsh pwede naman sa center para walang bayad, magtatyaga ka nga lang sa pila. Kung payo ang need mo regarding sa pananakit ng asawa mo nakita ko naman na madami nang nagbigay ng mga advises nila depende pa din sayo kung susundin mo. Momsh, kung ano man ang dahilan nya, alam kong alam mo na hindi tamang nanakit sya ng babae lalo pat buntis ka. Pwede kang lumapit sa mga magulang nyo or kamag anak na pwede mamagitan sa inyo pag hindi pa din andyan ang brgy at dswd pag ayaw pa din pa tulfo ka na momsh. Ikaw na nagsabi hirap na hirap ka na kaya need mong maging matapang para sa baby mo. Ikaw lang ang makakapagligtas sa baby mo sa kung anong environment meron ka ngayon. Kilos momsh, madaling sabihin, mahirap gawin, oo, pero wala tayong choice sa buhay kundi maging matapang at matatag para sa baby naten. Help yourself momsh before it's too late. Seek God at all times para ma guide ka nya sa mga desisyon na gagawin mo sa buhay. Praying for you and your baby as well.

Magbasa pa

VAWC Hotlines during Community Quarantine Violence against Women and their Children (VAWC) chooses no time or place. During the enhanced community quarantine, let us remain vigilant to VAWC that happens in the confines the homes in our communities. If you are, or if you personally know someone being abused during this time of health emergency, don’t hesitate to seek help to stop the abuse. Here is a handy reference that you can use during this time of community quarantine: POLICE/INVESTIGATION ASSISTANCE PNP Hotline: 177 Aleng Pulis Hotline: 0919 777 7377 PNP Women and Children Protection Center 24/7 AVAWCD Office: (02) 8532-6690 Email address: [email protected] / [email protected] / [email protected] LEGAL ASSISTANCE Public Attorney’s Office (PAO) Hotline: (02) 8929-9436 local 106, 107, or 159 (local “0” for operator) (+62) 9393233665 Email address: [email protected] REFERRAL SERVICES Inter-Agency Council on Violence Against Women and their Children Mobile numbers: 09178671907 | 09178748961 Email address: [email protected]

Magbasa pa

Kapag nanay ka na, hindi lang sarili mo ang iisipin mo. Pati anak mo na. Kahit sabihin mo pang may 2 yrs old ka, ano na lang mangyayari sainyo? tingin mo ba maganda na makita ng 2yrs old yung ganyan? ang toxic na ng nasa paligid nya. Kung mahal mo anak mo, aalisan mo yan. Ireport mo, ipapulis mo. Lumapit ka sa city hall para matulungan ka sa panganganak mo. Sa family mo, uwi ka dun. Para sakin selfish lang yung di mo maiwan asawa mo dahil may anak kayo. Bat di mo maiwan kung ganyan ugali? Walang bata na gugustuhin lumaki sa ganyang environment na may nag aaway at nakikita na yung nanay e sinasaktan ng sariling tatay. Para sakin lang🤷‍♀️ nasa sayo pa din desisyon kung ano balak mo gawin.

Magbasa pa

Ako po ung nagpost.. Mukhang tama po kayo na dapat ko na syang iwan pero mahirap lng sa ngaun kase may anak din akong 2years old kung kaya ko lng po tlagang agad agad ko na syang nilayasan dahil sobra na ung mga kademonyohan nya kaso lng hindi ko alam kung anong dapat kong gawin.. Walang wala din ako.. Ayokong umuwe samin dahil hirap din ang pamilya ko at ayoko ng dumagdag pa.. May nag suggest saken na ipaampon ko nlng ang baby ko dahil wala nmang kwenta ang ama nya pero hindi ko nman kaya un dahil mahal ko ang anak ko at ayoko syang mapunta sa iba.. 2 or 3weeks nlng manganganak na ko pero walang wala ako.. Hindi ko na alam ano pang gagawin ko.. 😥 😥 😥

Magbasa pa
4y ago

mukhang bata kapa masyado mamsh kaya ganyan ka mag isip kesyo di mo kaya ganto ganyan, eh kesa naman po unti unti kayo patayin ng demonyo mong asawa.. isipin mo na lang na lahat ay para sa anak mo kaya ka aalis sa poder ng asawa mo at humingi ng tulong sa parents mo, wag mong isiping wala kang magagawa, may magagawa ka ayaw mo lang talaga lakasan ang loob mo, maraming tutulong sayo di ako naniniwalang di mo alam ang gagawin mo.. nasa tamang edad na tayo para magdesisyon kung anu ang tama sa mali kaya ka nga naging ina eh.. godbless sana makalaya kana sa kamay ng demonyo mong asawa.. at sana wag mong hayaang hndi makulong yang kumag na yan may VAWC act., po tayo..

Ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo Momshie lalo sa panahon na ganito, limitadong kumilos but make sure lumapit ka sa tamang authority. Nandiyan sila para tumulong lalo na sa katulad ng sitwasyon mo. Red flag ang ginagawa ng partner mo, wag mo ng patagalin pang makisama or else mas worst ang pagdadaanan niyong mag-ina. Please help yourself, lumapit ka sa barangay para matulungan kang lumapit sa tamang kinauukulan. God Bless you and your Baby Momsh. Prayers and hugs for the two of you.

Magbasa pa

Hi momsh. Mag update po kayo. Kumusta na po ang lagay niyo ni baby?. Wala ka po bang ibang kamag anak na pwede muna puntahan? Or asan po ang family mo parents mo po baka pwede dun ka na muna para maalagaan ka nila. Iwan mo nayang letse mong asawa. Hindi kayo safe ng baby mo sa poder niya. Gawin mo na amg tama habang may oras pa. Kawawa si baby. Gawin mo para sa baby mo. Ingat po kayo. At sana mag update po kayo kung ano na po ang lagay niyo ni baby. God bless

Magbasa pa
Super Mum

Hugs to you mommy. As much as we would like to help, ikaw lang talaga ang makakatulong sa sarili mo. You have to stop the cycle of abuse before it's too late. Magpamedical ka mommy para may evidence para mas malakas ang kaso and magpa blotter ka. Then file a case. Wag ka na umuwi kung nasaan ang asawa mo. Your husband doesn't respect you knowing that you are pregnant. Umuwi ka muna sa parents mo. Kaya mo yan mommy. Kaya mo yan para kay baby.

Magbasa pa
VIP Member

don't get me wrong sis pero sa tingin ko ang una mo dapat hingan ng tulong ay ang pamilya mo. Either magulang or mga kapatid mo kung meron man. Pede mo twagan or itxt or mgpasaklolo ka sa brgy nyo. Maraming praan. Kung maiwan ka man saglit ng asawa mo sa bahay, smantalahin mo ng umalis o lumapit sa taong alam mong mas makakatulong sayo. Payo lang ang mbibigay namin sayo dito pero ang move ay manggagaling pa din sayo lalo na at buntis ka.

Magbasa pa
VIP Member

mgsumbong ka s pulis station. wag mo hintyin n ung bby mo mag suffer.. nakakalbas k nmn diba i set aside mo muna ung pagmamahal m s mistr mo. uwi k s inyu wag m ssbhn n uuwi ka kasi baka kung ano gwin nia sau . pg namalengke ka umalis kna. mgtxt k nlng s knya kpag nakalayo kana. adik ata yang asawa mo. hnd porket bbae tyu hnd n tyu llaban ipag laban mo krapatn mo. ipakulong mo .. wag mo antyn n mging huli na ang lahat maawa ka sa anak mo.

Magbasa pa
VIP Member

Pa blotter niyo po. Then kausapin niyo siya. Once na sinaktan ka ng lalaki may possibility na uulitulitin niya ang ganyang gawain.Ang mga ganyang lalaki dapat iniiwan na sa ere. I know mahirap magpalaki ng anak na walang ama, pero huwag dumepende sa lalaki. Mas okay na yung umuwi ka sa magulang mo na walang asawa at ama ang anak, keysa umuwi ka sa kanila na nasa kabaong na. Pati baby sa tiyan na walang kamalay-malay dinadamay pa😑😐.

Magbasa pa