How to cope with post partum?
Post partum is real tlaga mga momsh, 7years old na yung sinundan ng baby ko ngayon pero never kong nafeel dati yung nararamdamn ko ngayon, since CS ako ngayom and ang kwarto namin is s 2nd floor, never na ko nkababa simula nung lumabas kami s hospital nung december 31, nandito lang ako sa taas, nung una nka PL pa ang mister ko mejo ok pa ko, kaso ngayon na back to work na siya tapos ang ksama ko lang dito sa taas is yung 7yrs old kong panganay at ang baby ko, parang sobrang lungkot mga momsh, prang gusto ko lang umiyak ng umiyak. Prang hindi ko mamaster ang pagiging nanay ngayon sa pangalawa ko kesa s panganay ko, hindi ko alam yung nararamdamn ko ngayon, nung isang gabi halos buong magdamag siyang gising, ako lang mag isa nag alaga kasi may pasok si mister ayaw ko nmn mpuyat siya, pero di ko kinaya pagdating ng 3am iyak na ko ng iyak kasi sobrang antok ko na. Prang pkiramdam ko mag isa lang ako. Sobrang lungkot na prang di ko naeenjoy ang pag aalaga ko sa 11days old baby ko ngayon tapos sabayan pa ng sobrang sakit n dede kasi nagsusugat na dahil s breastfeed si baby. Help mga momsh di ko alam kung hanggang kelan tong ganito. Prang biglang huminto ang mundo ko nung nailabas ko na si baby, di ko na bigla nagagawa yung mga ngagawa ko dati, kahit yung pagpunta manlang s baba. From working mom to stay at home mom 😔😔😔