Hintayin Si Baby

This post is about induced labor. When to take it? Induced labor is only given to mommies kapag may problema during labor (pwede din before labor) halimbawa hindi nag da-dilate ang cervix, no pain at hindi nag eengage si baby, sobra na sa weeks si baby, pumutok ang panubigan una, may fetal distress na like nag drop na heartbeat ni baby (usually cs na if ganto) and marami pang factors. Hindi pwede na, gusto mo lang magpa induce kasi inip ka na. Kung wala naman problema, no need iinduce para mag labor. Go for natural birth meaning ikaw as mommy, wait mo si baby mo lumabas ng kusa. Kung gusto nya upto 41 weeks (usually nangyayari sa mga first time moms), aba ipaabot mo. Full term is 37 weeks pero safe pa din upto 41 weeks. Iba nga 42 weeks pa eh. Huwag ma stress kung ayaw pa ni baby lumabas. Eh sa gusto nya pa sa tummy mo, Mommy, mag swimming eh. Hayaan mo lang siya muna sa loob, as long as may sipa kayong nararanasan at least 10 times esp if busog kayo, then baby is good. Lam ko nakaka stress mag wait kasi feeling mo 10 years ka na buntis pero ok lang yun. Tiis lang. Ienjoy ang pagbuntis dahil hindi yan forever. Mamimiss mo din yan. Jowa mo nga natitiis mo kahit niloloko ka na, pagbubuntis mo pa kaya di mo kayang tiisin? Charot! ? So, good luck sa atin mommies! I am currently 34 - 36 weeks. Linalasap ang pagbubuntis at pagiging priority ko sa mga priority lanes. Hahaha! Happy lang tayo. ?

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Need ko din mabasa to mommy! Grabe po, willing ako mag wait kung kilan gusto ni lo lumabas kaso nakakapressure mga tao sa paligid ko halos araw araw tinatanong nila ako kilan lalabas si lo, ilabas ko na daw mga ganon. Although 38weeks nako at fullterm na, e wala pa naman po ako nararamdaman na pain or any signs of labor kaya na iinip nadin tuloy ako kahit nag eenjoy pa naman po ako kay lo lalo pag gumagalaw sya 💕

Magbasa pa
6y ago

Sarap sabihan sila na, KAYO KAYA MAGBUNTIS NU? heheheh.. Nakakatulong ang clear mind para sa paglabas ni baby. Yaan natin sila. Basta tayo bonding muna with our baby. As long as no complications, nothing to worry. Pray pray. ❤️