Hintayin Si Baby

This post is about induced labor. When to take it? Induced labor is only given to mommies kapag may problema during labor (pwede din before labor) halimbawa hindi nag da-dilate ang cervix, no pain at hindi nag eengage si baby, sobra na sa weeks si baby, pumutok ang panubigan una, may fetal distress na like nag drop na heartbeat ni baby (usually cs na if ganto) and marami pang factors. Hindi pwede na, gusto mo lang magpa induce kasi inip ka na. Kung wala naman problema, no need iinduce para mag labor. Go for natural birth meaning ikaw as mommy, wait mo si baby mo lumabas ng kusa. Kung gusto nya upto 41 weeks (usually nangyayari sa mga first time moms), aba ipaabot mo. Full term is 37 weeks pero safe pa din upto 41 weeks. Iba nga 42 weeks pa eh. Huwag ma stress kung ayaw pa ni baby lumabas. Eh sa gusto nya pa sa tummy mo, Mommy, mag swimming eh. Hayaan mo lang siya muna sa loob, as long as may sipa kayong nararanasan at least 10 times esp if busog kayo, then baby is good. Lam ko nakaka stress mag wait kasi feeling mo 10 years ka na buntis pero ok lang yun. Tiis lang. Ienjoy ang pagbuntis dahil hindi yan forever. Mamimiss mo din yan. Jowa mo nga natitiis mo kahit niloloko ka na, pagbubuntis mo pa kaya di mo kayang tiisin? Charot! ? So, good luck sa atin mommies! I am currently 34 - 36 weeks. Linalasap ang pagbubuntis at pagiging priority ko sa mga priority lanes. Hahaha! Happy lang tayo. ?

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Pag may gestational diabetese, hindi na advisable umabot pa ng 41-42 weeks. Ako kasi nagkaron ng GDM tas 40w 1cm pa lang ako. Nagpa admit ng 40w2d para magpa induce labor. 4cm naman na ko pero waley pa din nararamdaman. Habang naka monitor si baby nag message OB ko sa nurses na nakabantay. Sabi try ko daw Nipple Stimulation. Ayun dun ko naramdaman aray ng labor. Hindi na ko na induce kasi gumana ang nipple stimulation. Nag pa epidural na lang ako kasi masheket pala ang labor e. Nanganak ako after 10hrs of labor. Normal delivery naman at healthy si baby.

Magbasa pa
6y ago

Awww... drink lots of water. Hirap nyan mag gamot since iniisip mo if magkaka effect kay baby. Basta pag pray lang lagi maging safe, healthy,happy and normal si baby. Shempre pati na din si mommy. Enjoy pregnacy! Motherhood na sunod! 😊