Normal lang po makaramdam ng trust issue lalo na kung binibigyan ka niya ng dahilan para pag dudahan siya. Ex: ilihim yung mga social media accounts niya, ilihim kung sino mga ka-chat niya.
Para sa akin, opinion ko lang ito, natural satin na gustuhin malaman ang lahat ng tungkol sa asawa natin. Feeling ko halos lahat naman ganon.
Ito lang advises ko sayo.
1. Always be calm: Kahit galit na galit ka na at gustong gusto mo nang sumigaw, pigilan mo. Hinga kang malalim at kausapin mo siya ng mahinahon. Magalit ka ng kalmado lang. Pwede mong ipakita na galit ka ng hindi nag wawala.
2. Wag maging ma-pride. Kung kinakailangan na ikaw mismo ang unang mag open ng topic gawin mo. Kung kinakailangan na mauna ka mag salita mag salita ka. Minsan kasi inaantay natin na tayo ang suyuin at tayo ang unang kausapin.
3. Wag saktan ang pride nila: Sobrang fragile ng ego na. At kapag nasaktan yung ego nila mas lalo lang silang nag rerebelde.
4. Kuhain mo yung tiwala niya at maginng open minded ka: kapag sinabi mong hindi ka magagalit, wag kang magagalit. Pano siya magiging open kung hindi niya mapagkakatiwalaan yung mga sinasabi mo.
5. Ipaintindi mo sakaniya kung bakit hirap kang mag tiwala ulit sakaniya (Pwede mong gawing example yung mga ginawa niya dati) at bakit ka selosa at remind siya na almost lahat ng babae selosa talaga.
6. Sabihin mo sakaniya yung mga dapat niyang gawin para bumalik ulit yung tiwala mo sakaniya, kung kinakailangang ipakita niya yung mga social media accounts niya at kung sino ang mga ka-chat niya. Siya dapat ang gumawa ng paraan para bumalik ang tiwala mo, hindi ikaw.
7. Be open minded: Kung makikita mo yung mga pinag uusapan nila balik sa number 1, at subukan siyang intindihan bakit niya ginawa yun.
8. Bigyan mo siya ng dahilan kung hindi niya dapat gawin yung mga ginagawa niya. Kung hindi mo ginagawa yung mga ginagawa niyang mga kamalian, tanungin mo siya kung anong mararamdaman niya kung gagawin mo yun. Ipaintindi mo rin sakaniya kung gaano ka nasasaktan sa ginagawa niya. At kung may karapatan ba siyang gawin yun sayo?
9. Wag pabayaan ang sarili, sa gitna ng lahat ng pinag dadaanan mo, wag na wag mong pabayaan ang sarili mo. Alagaan mo sarili mo.
Break up is not always the solution to everything. Lalo na at may mga anak kayo. Minsan talaga kailangan mo i-spoon feed sa tao yung worth mo, lalo na kung hindi nila masyadong nakikita ito at tinetake nila for granted. Dapat marunong talaga tayo magrelay ng feelings natin without being too emotional. Ibig sabihin, wag unahin yung sakit at galit na nararamdaman, unahin natin iparating kung ano yung nasa isip natin sa mahinahon na paraan para lubos tayong maunawaan. Last resort dapat yung pag wawala 😅
Anonymous