Makukunan kapag nagbbreastfeeding?

Hello po. Ask lang inyong opinion. Nagpacheck up kasi ako 5 weeks palang baby ko. Nagkaroon ako ng internal bleeding sabi ng doctor dahil yun sa breastfeeding. Kapag nag continue pa ko ng pagpapabreastfeed makukunan daw Ako. May isa pa kasi ako baby mag 3 years old na sa January pero ayaw nya tumigil sa pag dede. Binilhan ko ng bote ayaw nya, nilagyan ko ng oregano breast ko, lipstick kung Ano Ano pero dede parin sya. Iyak ng iyak kapag Di ko pinadede. Naaawa naman Ako. Di ko Alam gagawin. Naaawa kasi ako sa baby ko di sya makatulog ng Di nadede skn. Totoo Kaya makukunan Ako kapag pinagpatuloy ko parin pagapapadede? Pano ginawa nyo para patigilin sa pagdede Ang baby nyo? Salamat sa sasagot

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kung iyon po ang payo ng doctor, sundin nyo na lang po. Safe po ang continues breastfeeding during pregnancy if NOT high risk. Pero sa case nyo po, mukhang high risk po kayo dahil nagbi-bleeding na nga, so sundin nyo na lang po. As for weaning your 3yo, you greatly need the help of other household members to distract sya kapag naghahanap ng dede. Kung 3yo na, nakakaintindi na po at pwede nang mapaliwanagan. Be gentle but firm sa paliwanag. Nakakaawa po talaga kung biglaan ang pagwean pero no choice na po kasi kayo. Nagwean ako sa panganay ko around 2y8m old sya (almost 2months preggy na ko sa 2nd). Iyakan talaga sa simula, nag-offer ako na hawak at amoy na lang sa dede, ok naman sa kanya kahit papaano, better than nothing. Give lots of hugs and cuddles rin po kasi more than the milk and feeding itself, it's the comfort and bonding with you ang hinahanap nya ☺️

Magbasa pa