UTZ

Hello po. Yung due date ko po is dec 23 based sa last mens ko , nagpaultra din po ako knina , sabi po maliit pa daw si baby , pwedeng ilabas ko sya ng hanggang 2nd week ng january , di pa daw sya ma oover due nun kasi based sa laki ng bata is tama lang para sa january . Ano po ba ang mas legit ? Last mens or utz. Thanks po. Hope mapansin tong question ko

UTZ
21 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same situation tayo sis. Maliit din si baby, mga 3weeks behind. Sabi ng OB ko, kain lang daw dapat ako nang kain, then take ng amino acid. EDD ko is Dec 30. Pero nung nagpa BPS ako, naging Feb na. Hehe. Pero wag daw pansinin yun kasi ang pagbabasehan talaga is yung first reading. Naka base kasi sa size ni baby ang estimated due, so kung maliit sya, uurong din yung due mo. Sa case ko naman, maliit lang din kasi talaga ako. Hehe. So baka nagmana lang sakin si baby. Ang importante daw, active sya palagi sa tyan mo, monitor mo din yung movement sis. Tho maliit sya, normal naman lahat sa BPS ko.☺️ Wag ko na daw stressin sarili ko hehe, kasi mabilis lang naman daw patabain si baby paglaki.

Magbasa pa

Sakin walang tumama 😅. Based sa Tranvaginal ultrasound ko Dec. 5 ang EDD ko. Then nung nagpa BPS ako naging Dec. 12 na EDD ko. Maliit kasi si baby kaya every other week nag papa BPS ako. At every BPS ko palayo na ng palayo yung EDD ko. Yung last BPS ko which is Nov. 15 nasa Dec. 26 na yung EDD ko. Niloloko ko nga yung Sono baka sa January na ako manganak hahaha - but wait! After ng last BPS ko di na ako pinauwi, in-induced labour and gave birth last Nov. 18 via CS! I was 37weeks and 4 days. Walang nasunod sa mga plano at schedule 😂

Magbasa pa
5y ago

Ay naku momsh sinabi mo pa. Nakakainip talaga pag sobrang excited ka na makita si baby mo 😊

Sa akin pinapakain ako ng madami ng ob ko kasi maliit si baby para hindi daw sya maging bansot dapat mag gain ako ng weight. Kasi maliit si baby ng 6days compare sa unang utz. Kaya kain ng kain bawal diet. Normal nmn ung lab ko sa gestational diab. Kaya walang limit sa food

Same situation. LMP ko is Feb 5. Yung utz ko is Dec 11. 2nd utz is Dec 15. 3rd is Dec. 22. Inexpect ko na manganganak ako ng Nov.pro sa utz is Dec. Nakatatlong ultrasound na ako. Ngayon 12 na di pa ako nanganganak. Pero sa app na to yung EDD ko dapat is Nov. 12

5y ago

Ikaw din :)

ako rin po mommy. Ang EDD ko sa OB ko is dec. 5 dpat. pero ung frst and last ultrasound ko jan. 7 pa ang due ko based din sa size. ng baby ko. mas gsto ko sna sundin ob ko pero dec. 13 na ngayon d prin ako nanganganak. kya bka jan. 7 tlga abg due ko

5y ago

Yes momsh. Kaht ako din wala pa masyadong signs ng labor. And mataas pa din daw yung tyan ko

Salamat po sa lahat ng sumagot. Naiinip na po ako , expected due ko po kasi talaga is dec , madalas na din tumitigas yung puson ko . Medyo nalungkot ako nun nalaman ko na january pa pala. Palayo ng palayo , naiinip tuloy ako

Same po tayo sis..dec.23EDD and mejo maliit din daw si baby pero binigyan ako ng vitamins ng OB ko para mkarecover si baby sa tummy ko.i hope and pray na manganak na ako before my due date..😇🤗🙏

5y ago

cge sis.. slamat... icheck ko sa mercury..

Utz po mom. May measurements din si baby based sa appearance nya kung ilng weeks n b tlga sya.. usually yung due date ntin +/- 2 weeks

First ultrasound nung firat trimester mo sis. Minsan mali computation using LMP hehe.

5y ago

Sa first utz ko sis dec 23 po.

May ganun talaga. You can give birth even after 2 weeks your due date.