feeling emotional

Hello po. Totoo po palang pag nasa puder ka ng byanan mo hinding hindi mo magagawa mga gusto mo. Gusto ko man magopen sa asawa ko di ko na ginagawa iwas upset nalang sa kanya pati sa nanay nya. Naiiyak nalang ako. Feeling okay okay lang kahit masakit minsan mga nasasabi nila..

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Totoo yan. Buntis ako ngayon, dito sa bahay ng biyenan ko hindi makapagluto ng food na gusto ko, biyenan ko lage nagluluto ng gusto nya. Minsan nagpaluto ako sa asawa ko ng gusto kong ulam may nasabi pa, na dapat magtipid kasi ECQ. Hirap kumilos n usto mo kasi hndi mo naman bahay. So nasa kwarto nlng ako palage kasi mainit din sa labas. Ayun sabi higa daw ako ng higa. Hahaha.. Hirap! Asawa ko naman kada ioopen up ko saknaya mga ganun at magsasabi ako n bumukod na kami nagagalit lagi...tiisin nlng, pag labas nlng ni baby saka ako bubukod.

Magbasa pa
5y ago

Parehas tayo, 26 weeks na akong buntis. Di ko man masabi mga gusto ko. Minsan nagpaparinig mil ko, kung sila lang daw nasa bahay okay na sardinas sa kanila para mkatipid kaso hindi daw kasi may buntis silang kasama, di naman ako maarte sa ulam pero yung makarinig ng ganun nakakalungkot lang. Parang pasanin ako sa kanila kahit nkakapagambag naman ako. Nanahimik na lang ako minsan. Gusto din naman bumukod ng asawa ko kaso alam namin sa sarili namin na di pa namin kaya.

Dapat kausapin mo asawa mo mamsh kasi pag sinasarili mo mga ganyan baka magka PPD kpa.

5y ago

Natry ko na po yan. Kaso mas alam daw ni mama niya anong tama. Ano pang sasagot ko dun? Tapos na usapan sa sagot niya. Busy busyhan na lang ako para matago luha ko.