Normal lang mommy na manasin dahil sa effect po ng anesthesia. CS mom din po ako at minanas din after ma CS but never experienced manasin the whole pregnancy. Mawawala din naman po sya eventually. Sa iba is nireresetahan sila ng gamot na pampaihi ng OB nila pero sa case ko naman wala naman nireseta at kusa din naman nawala.
Hello Mommy. Normal lang yan ganyan din ako nung nanganak ako. Hindi ako minanas nung preggy ako but right after giving birth as in pagbalik sa room yung paa ko and kamay ko biglang tumaba hahaha it lasts 1 week lang. what I did is I do hand and feet exercises para lang magregulate yung blood circulation.
Ganyan talaga kasi maraming fluids na naiwan sa katawan natin via IV. Mawawala rin siya after a few weeks pero if may breathing difficulties ka, inform your OB.