Di Maayos Na Tulog

Hello po. Tanong ko lang po Kung normal ba na nagigising ng madaling araw kahit di naman ako naiihi. Pag nag start na mag 1am until 3 yung tulog ko po paputol putol. Normal po ba yun 7 weeks pregnant po ako ngayon. Salamat po sa sasagot.

20 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din po ako dati kahit di naman ako naiihi nagigising talaga ako ng madaling araw. 38 weeks and 1 day na po ako and ganun parin po pero mas better na ngayon kasi kahit papaano nakakatulog naman na ako ulit after magising.

Ganyan din ako ngayon pag madaling araw na parang ang hirap na matulog partida ako di naman ako natutulog sa hapon, parang gusto mong matulog pero yung diwa mo gising tapos pag umaga na dun ka aantukin 😅

Before po ganyan ako. Nakakatulog ako ng 10 gigising ako ng 2 tapos mayat maya na gising ko . Umiinom lang po ko gatas tapos kinig ng Christian songs po then pray po 😊

Ako nakakatulog ako ng around 10 or 11 tapos magigising ng mga 2:30 or 3 am tapos makakatulog ulit ng mga 4 am then 8am n ang bangon ko tlga kasi wfh ako now e.

Ganyan ako nong first tri laging kulang yung tulog ko tiis tiis lang mommy kasi pag nasa second tri kana makakapag adjust kana nyan 😊

Yes sis...exactly... Then ginawa ko around 10am nako ntutulog para mejo late ang gcng ko..pero nggcng padin mga 5am or 6..

VIP Member

Yes ako makakatulog ako 10pm magigising ng 1m tapos 4 or 5am n ko tutulog uli 24week and 5days preggy.. ❤

Yes normal po yan ganyan ang naranasan ko noon naggising ako ng madaling araw. 4 months na ako ngayon first time mom

36 weeks pregnant! Ganyan din ako ngayon sis. Dati deretso lagi tulog ko 8-10 hours ngayon pagising gising huhu

hirap din aq m2log... kpg ngising aq ng mdling arw pra umihi.. hirap n ul8 aq mk2log..