Manual Pump

Hello po. Tanong ko lang po kung bawal po ba magpump pag bagong panganak? Mahina po kasi gatas ko kaya nag mamanual pump po ako para mastimulate. Di din po kasi agad nadedede ni baby. Para po kasing nagpapalpitate ako mula nung nagpump, di ko po alam kung related sya. Thank you po sa sasagot. 💙

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

Hindi advisable mommy na magpump 6 weeks below after giving birth. Unstable pa kasi ang milk supply that time baka mag over supply ka once na nag pump ka at magresult sa mastitis. I unli latch mo na lang po muna kay LO para mastimulate ang bm production mo. Always hydrate yourself and kaen ka lagi ng masasabaw at you can also use malunggay supplements and drinks. Good luck sa breast feeding journey mo mommy. ♡

Magbasa pa
4y ago

Stop ko na po pagpupump. Thank you po! 💙