Pregnancy
Hello po, Sana may makatulong. Ano po kaya gagawin ko para sabihin sa parents ko na buntis ako. I'm 21 years old, college student pa po. Strict ang parents ko at gusto nila alam nila lahat tungkol sa aming magkakapatid. Noong una pa lang po, tutol na sila sa amin ng bf ko. Pero ipinaglaban naming dalawa, pinauwi ko siya from Manila to our province para makilala siya ng family ko. Ang daming kontra and all dahil matagal syang nag stay dito, sa parents ko naman medyo okay na pero minsan ikinukumpara pa rin sya sa long term ex bf ko. Kakauwi lang niya uli sa Manila nitong April. and last week nag take ako ng PT bcoz 14 days na akong delayed, nakakaramdam na rin ako ng mga sintomas. Next week pa ako magpapa check up. Hindi ko alam paano ko sasabihin sa parents ko π Gusto ko rin sana sa Manila mag stay pero ako lang yung inaasahan sa maliit na negosyo namin. Feeling ko kasi kung lalayo ako dito sa lugar namin, mas makakaiwas ako sa stress. Saka para di na rin mahiya parents ko sa ibang tao. Any advice please? Thank youuu