SOME ADVICE PLEASEEE..
Hello po. I'm already 23 yrs old and 17weeks pregnant. Until now hindi pa rin alam ng pamilya ko or parents ko na buntis ako kahit sa mga kapatid ko wala akong napagsasabihan. Halos hindi pa rin din kasi halata tiyan ko kaya sguro hindi nila napapansin. Maluluwagna tshirt na rin kasi madalas ko suotin. Sa side ng bf ko alam na ng parents niya na buntis ako and okay lang naman inaantay na lang nila na mag sabi na ko sa side ko para kung sakali mamamanhikan na kaso nahihinaan ako ng loob pag kaharap ko na si mama para sabihin. Bunso rinpo kasi ako and tingin nila saken parang baby pa rin nila. Paano po ba dapat kong gawin? Kada uuwi ako feeling ko wala na kong kwenta pag sasabihin kong buntis ako. Ako rin kasi naaasahan samen kasi working po ako. Sana maging maayos ang lahat ?

22 years old bunso din at lalong Baby ng family... May Ate ako maaga nabuntis 16y.o panganay sya.. Tapos may 2 ako kuya ako ang bunso.. Naka graduate naman na ko and nagwowork.. Nagkaron pa nga kami problem ng family ko kasi family ko is not like your usual family, buo kami pero OFW Dad ko since maaga nabuntis Ate ko sobrang strict sakin... Nasanay na lang ako ganon lagi nila ko kinokontrol since ayaw ko mag stop sa pagaaral sinusunod ko sila. Pag graduate ko after 1 year nagpakilala ako ng Boyfriend sa kanila. Ayaw nila talaga di ko nga alam kelan ako pwede mag boyfriend eh... Nagkaron na kami ng problem to the point na lahat kami parang nag boarding na lang sa house sarili namin food at allowance tapos share pa sa bahay eh kakagraduate lang di pa ganon kataas sweldo tapos nagiinsist pa sila mas mataas ang share at pinapaalis ako sa work ko gusto nila sila pipili ng work ko.. Kinailangan kong umalis ng bahay bumukod kasi sobrang gulo na namin ng pamilya ko 2018 yun, pero nagkaayos kami... Bumalik ako sa kanila kaso di talaga kami magkasundo.. Disappointed sila sakin kasi nasanay silang nakokontrol ako π buntis na ko nung April nalaman ko. Pero ngayong Month ko lang sinabi sa kanila kasi di kami okay. Swerte ko naman sa Asawa kasi inaalagaan nila ko ng family nya dito ako nakatira, now wala ko work. Pinagsabihan lang ako ng Mommy ko at sinabihan ako na ingat ako lagi. Gumaan pakiramdam ko parang nabunutan ng tinik at nakakaginhawa. π matatanggap din nila yan madidisappoint sa una, Oo.. Pero mamahalin nila yan for sure π kaya mo Yan Momsh mas maaga mas okay para maalagaan ka nila.. Andyan naman Asawa mo aalalay sayo. Fighting! God Bless π
Magbasa paSame situation mommy but Im the eldest though and still 15 weeks :) medyo stressful kasi sa side ng family ko kasi my mum is a perfectionist and always looked up to me. When I visited our place a month ago may nagchichismis na na buntis ako ganun ganyan pero I havent confirmed it yet to them and my mum was lashing out on me like its disgusting ba if ganun na buntis tapos magpapakasal kasi the whole town knew naman din na we are about to get married. So its quite difficult talaga pero eventually ill tell her at the right time cause she is still mad pa kasi. My dad na ofw is very supportive sa relationship namin and as long as inaalagaan ako ng maayos then he is fine with it. I hope understanding yung parents mo and no matter what theyll say ,know na you are starting your own family na and ang importante ay kalusugan mo ,happiness and well being. Update mo po ako on how it went for you and your parents :)
Magbasa pa20 years old and only child. Nag rebelde ako kaya bumukod ako sa mom ko. Dalawa nalang kami magkasama sa buhay kasi nangibang bahay na ang father ko. Nagwo-work ako para mabuhay sarili ko non kahit undergrad ako kaso nabuntis ako. As soon as nalaman kong buntis ako umuwi ako samin para magsabi sa mom ko. Tinanggap naman nya ko agad pabalik sa bahay at inaalagaan nya ako ng sobra. Sya pa nga halos bumili ng mga gamit ni baby. Mas isipin po natin ang kapakanan ni baby kaysa sa takot natin magsabi. Wala din ibang makakatulong satin kundi ang mga magulang natin ππ
Magbasa paKung magsasabi ka sa family mo, isama mo boyfriend mo sis. Mahirap po talagang magsabi pero kailangan mo pa ding gawin. Di mo habang buhay at buong pregnancy mo maitatago yan. Maganda nanding sayo nila malaman kesa sa iba pa. Pamilya mo sila, tatanggapin at tatanggapin ka ng mga yan. Wala ka ng magagwa sa kung ano man maging reactions nila, maging ready at handa ka nalang para dun. Kung matatanggap nila agad, pasalamat ka. Kung hindi naman, hayaan mo nalang muna sila. Bigyan mo silang time. Basta ang mahalaga, naging tapat ka sakanila.
Magbasa paNung nalaman kong buntis ako, wala rin ako balak sabihin sa parents ko kase inaasikaso ko that time ung papers for our wedding. Ayokong masabihan ng kung ano. Pero nung sinabi ni hubby sa parents nya ung kalagayan ko, tinulungan nya rin akong kausapin parents ko. Pinakita ko muna ung result ng ultrasound ko then ayun inexplain namen... natanggap naman agad nila. 26 yrs old naman na ako. Ang sakin lang, sabihin nyo na sa parents mo habang maaga pa para di ka mastress. dalawa kayong magsabi. Tutal 23 yrs old ka na.. :)
Magbasa paYung kapatid ko mautak eh, Nagdecide na hindi na uuwi. Ako nalang daw magsabi sa tatay namin na buntis sya para matapos na daw problema nya Galing diba. Sana hindi nalang sya pinag aral pasukan palang pala buntis na sya. Taas pa naman expectation ko sa kanya kasi mahinhin dalagang pilipina ganon. Hayy Yung bf pa namna ng kapatid ko ayaw ng mga magulang ko. Daming panganay eh. Kung tanggap naman ng pamilya mo yung lalaki sabihin mo na sis. For sure naman naman na mas iintindihin at aalagaan ka nila.
Magbasa paisulat mo nalang kundi mo kayang sabihin. anjan na yan e , mas mabuting malaman ng maaga para may time pa sila magalit at kumalma kesa on the spot na anjan na yung baby tska lang nila malalaman. bigyan mo sila ng karapatang magalit at kumalma , pamilya mo yan maiintindihan ka rin nyan. just face the consequences of your actions
Magbasa paOkay lang yan sis, sabihin mo kung ready ka na. Wag mo pilitin kung sa tingin mo di pa right time. I'm 21 yrs old btw and nalaman ng parents ko na preggy ako 7 months na tummy ko. Bread winner ng family kaya nahiya ako sabihin nun. Sa una siguro baka magalit kung strict sila pero mawawala rin. Cheering for you!β€
Magbasa pa1st pregnancy ko noon @21. Ginawa ko nag timpla lang ng annum sa harap ng nanay ko. Tanong nia "ano yan gatas mo pahinge nga... Ahhh annum... Buntis ka?" tas yun nag smile lang ako dala yango. After that talk cla ng bf ko dala manhikan. Ngayon married & have 2 kids grl & boy . Diskarte lang yan sis ;)
Magbasa pasame skn. I am the youngest and tinatratong baby ng family kahit na 26 years old na ko. nuon nalaman nla na buntis ako nagalit sila syempre kasi they still have expectations skn pero tngap nmn nla na hindi ako hbng buhay na baby ako π π sama kau ng bf nyu po sis para mabawasan un takot nyu.