Hyperemesis in pregnancy Pregnancy medicines

Hello po. Safe po ba sa buntis 8 weeks and 5 days po 1st trimester pa lang po kasi ako ask ko lang po kung safe uminom ang buntis ng mga gamot na OMEPRAZOLE 40mg, ALUMINUM HYDROXIDE MAGNESIUM HYDROXIDE 500mg(ANTACID ), CO-AMOXICLAV 625mg, and BUTAMIRATE CITRATE 50gm(ANTITUSSIVE ). Kasi po since nung july 1 nilalagnat na po ako lahat nalang ng kinakain ko isinusuka ko nalang hanggang sa inubo at sipon na ako so nag pa check up na po ako nung july 4 kasi di po maalis alis yung lagnat ko then ang sabi sakin mag fasting ako then pinabalik ako kanina kinuhaan ako ng dugo at ihi tapos yan po sa baba ang results. Ang sabi ng doctor may UTI ako pero kunti lang. Tapos may hyperemesis raw po ako. Kasi suka ako ng suka sa umaga tanghali gabi madaling araw. Tapos bumaba yung timbang ko. Ask ko lang po sana kung safe sa buntis ang gamot na inirekomenda nila sa akin. Kasi di ko yun OB pediatrician po sya sa hospital na pinag check upan ko. Nainom ko na po yung antacid at antitussive po kanina. Hopefully masagot niyo po katanungan ko. Thank you.

Hyperemesis in pregnancy
Pregnancy medicines
7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

nag ka hyperemesis din ako ng 1st trime, 2nd trime nawala naman awa ng Dios wala naman pinainom sakin OB ko, may pinapaamoy lang sakin na mga pang alis ng hilo at pambawas pag susuka, Bumagsak din timbang ko nun, from 52kl to 47kl, nakabawi naman ng 2nd trime 59kl nako and 8months na, cefalexin lang ang nireseta sakin kasi nag ka UTI and protein na ihi ko gawa ng di ako makakain, at makainom ng tubig. dehydrated na, pacheck ka sa OB mamsh para sure ka sa mga tinitake mong gamot. yung omeprazole kasi para siya sa inaacid, ganyan kasi gamot ng father ko nung nag ka acid reflux,

Magbasa pa

ganyan din nireseta sakin ng OB sa ospital na pinagdalhan sakin sa emergency dahil na diagnosed ako ng hyperemesis during 1st trimester. Ang ginawa ko tinext ko yung OB ko talaga to inform her sa mga nireseta and approve nya naman. As long as reseta ng doctor okay naman siguro yan sis pero if doubtful ka ask your OB nalang kasi sila yung best na pagtanungan mo sa ganyan.

Magbasa pa

same tau nung first trimester di maka kain suka ng suka, ang tinitake q kremil.s tapus nag papabili aq ng alkaline water, ung ubo q naman pinakingnan ni Ob kung my plema wala naman pinag gargle lang aq ng bactedol,, pa checkup ka po sa OB me if meron na available para alam mu kung safe ba sa baby lalu na 1st trimester,

Magbasa pa

Bakit sa Pediatrician ka nagpa-check up? Doctor yan ng mga bata eh. Anyway di nman siguro irerecommend yan ng doktor kung makakasama sa pagbubuntis mo. Need mo magpa-check up tlga sa OB.

Kung nag aalangan Ka, pa second opinion Ka sa DOCTOR PARA SA BUNTIS or so called obstetrics and gynecology doctor. wag Ka sa doctor Ng bata hahaha.

uhm mamsh umiinom ako ng omeprazole noon kasi acidic ako pero nung nalaman kong buntis ako di na ko nagtake nun. alam ko bawal yun kapag buntis

2y ago

Di ko lng sure ah hehe pero para sure ob talaga puntahan mo

Pacheck po kayo sa OB mismo at hindi sa pediatrician..unless bata pa kayo like below 18?