CONSULT AGAD SA OB KAYSA MAGSISI PO SA HULI MAGANDA PONG SIGURADO TAYO PARA LESS WORRY ?
Hello po sa mga momsh na nagwoworry at less movement si baby . Isa po ako sa inyo dati akala ko normal lang yun, yess sa iba normal pero mas maganda ng makasigurado tayo . 37 weeks ng maramdaman kong humina na ang galaw ng baby ko halos madalang nalang sya gumalaw sabi ng iba dahil nag reready na raw sa pag labas yun iba naman dahil masikip na sa loob . Sinabi ko sa ob ko na less movement na nga si baby sabi nya dapat daw active parin si baby kahit kabuwanan na kaya pina ultrasound agad ako at yun kinakabit sa tyan para bilangin yun galaw ni baby kada minuto pero madalang tlga yun pag galaw nya at sa ultrasound nakita rin don na nakapalupot yun pusod ni baby sa leeg at paubos na panubigan ko kaya emergency CS ako hind ako prepare non di na nila ako pinauwi sa bahay talagang admit na sa ospital. Lagi nyo pong tandaan na hind po pare pareho ang ating pag bubuntis sa iba normal baka sa iba hind nmn, may maselan at may hindi . kinuwento ko to para po aware lang tayo lalo nat malapit na natin makita baby natin kasi kung di naagapan yun sakin patay ko ng mailalabas ang baby ko God is Good talaga ? Always pray lang mga momsh GodBless po sa inyo at sa mga baby nyo Mahal po kayo ni God ? -Ms.Ash