May UTI baby ko 1yo

Hello po sa mga mommies jan. Nagkaroon po ng uti baby ko nung Feb 3 po super high fever po 39.9 po then pinunasa lang nmin ng pinunasan ng bimpo na basa tapos medyo umokey na, then nagpa urinalysis kami ang WBC niya is 1-3 kaya pinainom ng antibiotic. Hindi naman na umulit ung fever niya since Feb 4. Ngayon po Feb 10 tapos n ung antibiotic niya kaya pina urinalysis ulit namin ngayon ang WBC is 8-10 mas mataas sa una pero hindi na ulit umulit lagnat ni baby di na siya nilagnat simula feb 4.. pinapa urinalysis ulit si baby tapos kapag mataas pa rin need na magpakidney ultrasound ni baby... any comment po mga momsh kung naexperience niyo po ito? Sana ok lang si baby kasi mukha naman siyang ok super sigla at likot niya... 1yo palang baby ko salamat po sa sasagot...

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

try niyo Po pa second opinion. or repeat Yung urinalysis. pag baby Ang hirap kuhanan ng ihi and pwedeng macontaminate dahil naiiwan lng yung urine collector, advice ko linisan mo mabuti si baby sabunin po maigi private part Niya tapos tuyuin. ska mo ilagay Yung pang salo painumin mo rin siya marami water, sa experience ko sa anak ko na nag ka UTI nag WBC - 100 sa urinalysis nilalagnat siya ng 39 pataas, even after 2hrs kong painumin ng paracetamol nilalagnat ulit. first day palang n nilagnat dinala n nmin siya agad sa Dr. dahil 39 agad temp. Niya and continues Yung lagnat, mawawala lng saglit after painumin ng paracetamol tpos babalik n nmn. na admit siya and iv injection Ang antibiotic Niya. ok n sya now.. . nakuha Niya Yung UTI dahil sa diaper n naiiwan overnight. kaya d ko n inulit.. every 4hrs n Kmi mag palit. btw 10mos.n si baby nung nag ka UTI siya.

Magbasa pa
4y ago

Napaultrasound ko na rin baby ok normal naman kidney niya. Kaya ang lumabas na result is cystitis daw.

try nu po opti juice.. super effective yan xa mga uti.. kahit baby ok yan..