Maternity leave filing

Hello po sa mga ka momshies na nagwowork pa rn kahit buntis. Ask ko lang po kung kailan usually kau nagfifile ng mat leave or tumitigil mag work. I'm 33 weeks pregnant na kasi, pwede bang mag leave na ako sa ika 34 weeks ko? O sagarin ko na hanggang 36 weeks?

13 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

34 weeks na ko and gang feb10 na lang ako papasok. Sched ako ng CS on March 1 . Ginawa ng company ko is SL muna ako gang di lumalabas si baby. By law daw kase, dapat nakalabas na si baby bago mag take effect ang ML. So saken March 1 pa effective ML ko since yun yung date ng paglabas ni baby. Gagamitin ko yung bakasyon ko para makapaglaba ng mga damit ni baby at makapag general cleaning na din bago sya lumabas. Nasayo naman yun momshie kung kaya mo pa pumasok or gusto mo na magpahinga.

Magbasa pa
4y ago

its all up to you momsh.. pakiramdaman mo sarili mo if kaya pa or hindi na

Magrerequest ako ng earlier na maternity leave, sabi ng ob ko kelangan ko ng total bed rest. Nag preterm labor ako nung 31 weeks...thank God hndi nagderederetso ung labor ko. Nakunan ako 2x before eh. Tapos ung panganay ko 31 weeks premature, nagNICU ng 1 month. So to be sure na maifufullterm ko etong dala ko ngaun, magffile na ako ng maternity leave at 34 weeks pregnant...high risk kasi ako eh...diabetic na hndi gestatìonal, nag iinsulin pa ako then may thyroid problem pa...

Magbasa pa

ako mamsh 39 weeks and 4 days still working. hanggat kaya pa lalot di nman maselan pgbubuntis mo. sayang kc yong leave. manghihinayang ka lalo na pg kailangan mo na bumalik sa work after mat leave. masasabi mo nlang sarap di na bumalik sa work. sakit sa loob iwan c baby ?

4y ago

Wow bongga ka momsh. Buti kinaya mo. Nakakapagod kasi ung work ko tapos byahe pa lagi..

TapFluencer

36weeks nako nag stop sa work. Nag file ako ng dec pero jan 15 nako nagleave. Hanggang may 1 pa. Mas maganda po na malapit na kau mnganak tsaka mag leave. Wag po kau mag early leave para po di mabawasan agad yung 105days nyo at maalagaan po natin ng maigi si baby. ?

4y ago

Yes po ganun po yun. Pero kasi saakin nagcounted na agad ako ng ML ko nung Jan 15. Hussle kasi kung magpafile pa ako ng SL/VL eh. Kaya diretso nako ML para wala na daming tao sa office. ??

ako po, 37 weeks na pero still working.. pinapagLOA na nila ko sa ofc pero sbe ko check ko pa sa check up ko this sat pag ie skon. pag open na cervix ko tska ako mgleave. pero bawas din muna yun sa sl credits ko kasi 0225 pa tlga due ko e.

Hi sis, ako kinausap ako ng HR namin pwede na daw as early as 32 weeks, pero nasa sa akin daw kung kaya ko sumagad until 34-36 weeks. :-) So I decided na 36 weeks na ako mag leave. Kaya ko pa naman kasi at hindi maselan.

4y ago

Hindi mababawas sa SL & VL 'yun sis kasi maternity leave na yung ite-take mo.

Ako almost 7mons na nag leave kse ang sket na sa Ibaba ng Puson at sa Singit gawa ng pagkakaupo lage.

VIP Member

37 weeks na ko bukas but still working. My plan is to work gang kaya pa since di naman ako maselan.

37 weeks and 5days nung nag start ako ng leave ko pero dec plang naifile ko na sia ☺️?

35 weeks and 5 days now..hanggang next week papasok aq..37th week maternity leave na