Hello po sa lahat. Tanong ko lang at kung sino din dito ang nakakaranas ng same case katulad sa akin. Dalawang araw ko na kasing napapansin na pagkatapos ko umihi, may dugo na lalabas na minsan tumutulo pa sa toilet bowl. Di naman po sya sumasabay sa ihi ko. Everytime talaga matapos ako sa pag,ihi saka pa ang dugo lumalabas sa mismong daluyan talaga ng ihi though hindi naman marami. Wala naman din akong nararamdamang sakit or discomfort tuwing iihi. Limang buwan na din ang nakalipas simula ng naCS ako at nacatheter.
Di din kasi basta2 makapagpacheck up sa OB ko sa city dahil iququarantine ako pagbalik sa lugar namin. Sa mga CS mom jan na nkaexperience ng ganito, pahingi po ng payo at kung ano tawag dito. Posibling UTI po ba din ito kahit wlang mararamdamang sakit sa pag ihi? Maraming salamat po sa sasagot. Talagang nawoworry na po ako nito.