Marrying Age

Hello po! Sa experience nyo po, May I ask po what is the ideal marrying age?

78 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Dati nasa isip ko 35 years old haha. Kasi ang gusto ko super stable na at walang makakagiba sakin kahit ako lang sa sarili ko ang financially stable para masuportahan ko ang sarili ko kung anu't anuman. Pero ngayong 29 na ko at biniyayaan ni Lord ng mumunting supling sa sinapupunan po eh naisip ko medyo late na ko nag asawa at ngayon palang ako magkakaanak. Dapat pala inagahan ko, like mga 24 years old siguro ko dapat para ngayong 29 na ko may 5 years old baby na ko. Pero naisip ko din, nung 24 ako nagpapaaral pa kasi ako ng kapatid. So, di ko din kaya pagsabayin talaga ang lovelife/married life at pagiging responsableng anak at kapatid. Isa yung magsasuffer. So, for me, depende siguro sa takbo ng buhay buhay natin mga mamsh. Kundi pa kaya habang bata pa kasi hindi pa stable o may responsibilidad pa sa mga kapatid at magulang eh wag na muna mag-asawa. Pero kung bata ka pa at career driven ka na talaga, financially stable at jowa na lang at sariling pamilya eh it's up to you po to decide. Pwedeng enjoyin din muna ang buhay dalaga bago lumagay sa magulo. Chill lang muna, darating si Mr.Left na idadrag sa kanan para maging Mr.Right in God's perfect time. 😉

Magbasa pa