SILENT MISCARRIAGE
Hello po sa ating lahat. May ganito din palang klase ng miscarriage, ang akala ko lang dati ay kapag nagdugo, sumakit ang puson at balakang yun na ang signs na nakukunan. Meron din palang silent miscarriage at I'm suffering from it. 🥺 As in no pain, no bleeding. Sa ultrasound lang nadetect na wala ng heartbeat ang mga baby ko (twins pa naman) 😭😭2nd pregnancy ko na ito, at the same time 2nd pregnancy loss. Yung unang pagkakunan ko noon is dinugo ako at niraspa. Ngayon as in wala, still waiting na mapass out ko na at taking medicines. Siguro may problema sa akin kaya walang nagtutuloy na pregnancy ko although kompleto ako sa vitamins, pampakapit, rest, nutritious foods at palagi din ang check up. 😭😭 May din sana ako manganganak kung hindi sila nawala sa akin. 🥺🥺

stay strong mamsh, may plano si lord sa lahat. Pray lang kay lord palagi,wag mawalan ng pagasa❤
same po mhie... silent miscarriage din ako last tym
Ganon din po ang nireseta ng doctor sa akin na inomin ko sa loob ng 7 days. Sana nga mailabas ko na din lahat. Masakit po ba ang paglabas?