Feminine wash recommendation

Hello po, may recommended feminine wash po ba kayo para sa preggy na may UTI? I’m currently using PH care kasi dun ako hiyang pero baka kailangan ko ng better wash since preggy and may UTI ako. Yung hindi po sana matapang. Wala namang recommended si OB and kakatapos lang ng antibiotics ko, still for monitoring yung urine tests pero baka makatulong yung magpalit ng fem wash tutal matubig ako and umiinom ng buko juice/cranberry juice. Thanks po!

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

wag kang gumamit ng Feminine wash warm water na lang pure tubig lang panghugas at palaging magpalit ng panty mga 4-5 times a day

3y ago

Parang malagkit parin po kasi lalo mainit ngayon kung tubig lang. Ginawa ko po siya for a few days pero walang change sa urinalysis kaya for urine culture narin po. Noted parin po at mas madalas din ako magpalit ng undies ngayon. Thank you po 😊