TRUE TO LIFE LOVE STORY
hi po. pwede po ba kau magkwento ng khit short story kung saan at pano po kau nagkakilala ng partner nyo. hihi bet kopo ksi magbasa ng true to life love story. please. thanks po

April 2, 2015.. (Maundy Thursday) I was invited by a friend na makihalubilo sa get-together party sana nilang magkakaibigan. Wala pa kong 1 year nun na nakatira somewhere in Quezon City. Bilang lang ang mga friends ko that time since kakalipat ko lang from Pasig to QC. Tapos ang routine ko lang, trabaho-bahay-trabaho almost everyday at wala sa plano ko makipagkilala talaga at makipagmabutihan sa kahit sinong lalaki noon. So, ayun si ate Khaye (the mutual friend) ininvite nga ako sa bahay nila nung Maundy Thursday kasi alam naman niya na wala akong lakad at plano ko lang magburo sa bahay, manunuod lang ng kdrama. 😆 Ayoko talaga pumunta that time. Pero kakukulit at kakakunsensya sakin ni ate Khaye eh napapunta ako. Niligaw pa ko ng very very light nung nasakyan kong tricycle papunta sa bahay nila. I was expecting na madami bisita coz I was told na get-together party nila yun ng mga dati niyang kasamahan sa work at friends noong nagtratrabaho pa siya sa City Hall. Kamukat mukat ko. Ako lang ang dumating. Nagsipagcancel yung mga invited niya kuno. Sa part ko, bilang introvert din ako talaga eh no problem kung wala nga nagtuloy pumunta. Akala ko talaga ako lang bisita, until few minutes passed at may dumating pang isa. Yun na si hubbydo in the future. I didn't expect myself to fall for him. Kasi during that time ang tingin ko sa kanya. Kuya. Di hamak kasi na laki ng agwat ng edad namin. 10 years. Hindi ako nalove at first sight sa kanya. Laugh at first sight pwede pa kasi nung papasok palang siya sa pinto ng bahay at makita niya kong nakaupo sa sala, ang lolo natin napaayos ng hair at napapunas ng medyo oily face. (Pagbigyan, mahal na araw yun. Katirikan talaga ng araw nun 😆) Pero chill lang ako. Nag hi sakin, nag hello lang ako. Tapos cp, cp, fb,fb saka nanunuod ng show ni Sharon at Jay Manalo sa TV 5 nun. Nakalimutan ko na title basta yung mag-asawa sila, replay lang yun. Ang suot ko pala that time, simpleng white shirt, maong pants saka nakaslipper lang ako na minnie mouse 😂 No make up look. Pulbos lang. Natural na tuwid ang mahaba kong hair kaya keri na kahit simpleng gayak lang. Nag aya si ate Khaye at si future hubby do na bumili ng food sa labas. Lakad kami, kung nasang side ako. Dun pilit pinupush ni ate Khaye ang lolo natin, lumilipat naman ng side ang lolo. Sa isip isip ko, "huy ano ka? Ako pa iwasan mo? Itong ganda kong ito at batang bata? Napapanot ka na nga!" ( Naasar lang ako kasi iwas nga sakin eh sanay ako na dinidikitan pag nalaman na dalaga ako 😆) So, I was 25 then. He was 35. Naubos ang oras namin sa maghapon na kaming tatlo lang. Nilalayasan pa kami ni ate Khaye, lumilipat sa kapitbahay. Little did I know na set up pala yun para maging magkakilala kami ni hubby do. He had an idea back then, ako totally walang clue. Ilang beses ako tinanong nun ni hubby do kung san ako umuuwi, anong oras ko plan umuwi? Sa part ko, ang panget ng dating. Parang pinapalayas na niya ko. Akala ko gusto niya masolo si ate Khaye. Mukha kakong kaya iwas sakin kasi si ate Khaye ang type. Nagsabi ako na by 8pm uuwi na ko. Tumango lang si lolo. Sumapit ang 8pm. Nagpaalam na ko kay ate Khaye na uuwi. Nagulat pa ko na gumayak na din umuwi si hubby do. Nadinig ko pa na usapan nila na ihahatid daw ako sa bahay. Sa isip ko, "no way!what the heck! ano ko bata? kaya ko umuwi mag-isa!" Pero hanggang isip ko lang yun. Hindi ko naman isinatinig. So, ayun sabay na nga kami lumabas hanggang sa sakayan. Inaya niya ko kumain ng halu-halo sa Chowking. Pero di natuloy kasi wala ice cream. Nafrustrate ang lolo mo, dahil lang walang ice cream ang halu-halo. 😆😆 Tawang tawa ko sa kanya deep inside kasi parang yun lang narattle na. Nauwi kami sa Jollibee. Mapagbigyan lang siya umorder ako ng sundae kahit uwing uwi na ko. Ininterbyu niya ko ng konti sa Jollibee, jinoke ko pa siya na "ano ito slambook? interbyu ba ito ni Boy Abunda?Asan ang mahiwagang salamin?" Yun ang ice breaker. Natawa na lang siya sakin. Hanggang sa naglalakad na ulit kami papuntang sakayan, iniinterbyu pa din niya ko about myself. Anong height ko ganun. Insecure sa height si lolo natin kasi mas matangkad ako sa kanya 😆(one of the main reasons kung bakit di ko siya type during those times. Di pasok sa banga ang height) Sa sakayan, pinara ko agad yung jeep na papunta sa area ng bahay na tinutuluyan ko. Di na ko nagpaalam sa kanya. Nagbye na lang ako agad pagkasakay ng jeep with matching kaway kaway pa. Out of way, magkabilang daan kami kaya di na din siguro niya ko pinilit ihatid plus ang bilis ko nga kasi sumakay sa tumatakbong jeep. Makaiwas lang. Buti di ako nakaladkad 😆😆 Nun pala nagkainteres siya lalo sakin kasi ang ilap ko nga. Kinulit niya ng kinulit si ate Khaye na iset up ulit kami para sa second date na wala akong malay na date pala. 😆 Pinagbigyan ko, since mutual friend namin si ate Khaye. We were like sisters nun, sanggang dikit kumbaga. Hanggang ang second time, naging third, fourth, fifth at di ko na namalayan na tuwing rest day ko magkasama kami. Pag may time siya, dinadalaw naman niya ko sa work kahit malayo talaga ang uuwian niya sa inuuwian ko. Nafall na ko at nadevelop. Kasi kahit di siya katangkadan, mabait siya. Joker din like me. Responsible naman. May pangarap sa buhay and bilang mas matanda siya sakin ng 10 years feeling ko binebaby ako lagi. Hindi kami naging old school na ligawan. Friends lang muna then getting to know each other stage, nagdate ng nagdate hanggang exclusively dating na at naging official kami nung ikiss niya ko sa lips. First kiss ko ang lolo natin. 😅😅😂😆 In love na din ako sa kanya noon. At bilang pangako ko sa sarili ko na ang unang lalaking papayagan kong makakiss sakin, siya na mapapangasawa ko. Ayun. Naging kami. And guess what? Heto asawa ko na nga. And we are expecting our first baby boy sa June. 😊 Napahaba ba masyado? Haha naisulat ko na yan sa wattpad eh. Full story dun, hanapin nyo. Charot.
Magbasa pa



follow me on twitter @Whiskey19