No Heartbeat Baby For Raspa

Hi po. Pwede po ba ako mag ask? Last August 12 po kasi nagpa tvs kami ni Hobby, then lumabas po na result is demise po yung baby ko, walang heartbeat 8 weeks and 5 days po siya. Tapos nagpa 2nd opinion po kami, edi nung Aug 26 si Baby ay 10w and 5d na po nagpa tvs po ulit kami ng Asawa ko. Same result po wala pong heartbeat si Baby. Hindi po nagdevelop ang baby nasa 8w and 5d padin po ang g.age niya. May baby po sa loob Doc. Pero wala pong heartbeat. Niresetahan po ako ni OB ng Eveprim ng 3x a day po, pampaopen daw po ng cervix.. Then pumunta po kami sa public hospital para sana magparaspa na maam Nung Sept 2, sabi ng OB sarado pa daw po ang aking cervix, need daw po muna mag open yung cervix bago raspahin. Wala po kasi kaming sapat na pera para magprivate hospital. Wala po kasi akong symptoms ng bleeding after ko malaman na walang hb si baby. Binigyan na naman po ako ng OB ng primerose at buscopan na for 3x a day. Hanggang ngayon inaantay po akong duguin sana para mag open ang cervix. Any tips po ano pa pong mabisa para bumilis pa po ang pag open ng cervix? Pwede po kaya ako uminom ng serpentina leaves herbal? Hindi po ba delikado kung uminom ako ng serpentina? Pwede din po bang makipag do kay Mister ang ganitong cases kung sakali para mabilis mapaopen ang ceevix? Salamat po. Umaandar po kasi yung ML ko na 60 days. Baka po kasi matatapos na yung ML ko hindi pa ako nararaspa o hindi pa ako dinudugo or di pa open cervix. Nag aalala po kasi ako. Salamat po ulit sa sasagot.

8 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sorry for your loss mommy. Last year July 04 nung nalaman namen na wala dn heartbeat c baby 9weeks naman sya non wala din ako bleeding, nag reseta dn c Ob ng primrose and buscopan. Bukod dun umiinom ako ng serpentine leaves 2x a day. Binababad ko sa isang basong mainit na tubig yung 5pcs na dahon. At nagpapatagtag talaga ako. After 1week nag start na ko duguin and after 3days kusa na syang lumabas πŸ˜’πŸ˜” and ndi ko na kinailangan na raspahin. Hugs for you mommy. Hope maka help po sainyo.

Magbasa pa
10mo ago

Nag exercise po ako jumping jack saka akyat baba sa kama since wala kame hagdan. Tapos 4days ako nag bleed non bago sya lumabas, para ka dn nag lalabor na sobrang sakit sa puson yun po ang feeling kapag malapit na sya lumabas. Yes po naubos ko yun primrose at buscopan, at sinasabayan ko ng serpentina.

I feel you mommy . Ganun din Po Sakin Nung unang baby ko 9weeks and 1 day Naman Po . Unng check up ko lang un kasi nagdududa nko na buntis ako pero walang heartbeat si baby . Kinabukasan nagpa raspa Po agad ako . Wala akong kahit Anong iniinum Po sa hospital na po ako agad , lagyan ka Po kasi Ng dextrose pampahilab Ng tyan Po TAs fasting Po .

Magbasa pa

sorry for your loss 😞 yes .. serpintina din ininum ko 3x a day .tapos 3 capsule insert sa pwerta ng primrose mas mabilis pag iniinsert kesa iniinum ..pwede makipag do kay mister

10mo ago

sa serpintina 3 days ko lang siguro nainum un pero 2weeks na ko nag iinsert ng primrose eh ..di n ko nkaparaspa nailabas ko sya ng normal at lahat

Mommy wag ka mawalan ng pag asa ha? Pray lang po lagi. I had blighted ovum also way back nov 2022 but now im currently pregnant 4 months na po 😍🀍

Missed miscarriage ka po. Usually 3 to 4 weeks bago ka duguin pero minsan mas matagal pa yan. Hindi pa kasi aware yung body mo na wla na si baby.

10mo ago

Nailabas ko po yung baby na buo pero nag bebleed padin ako, advice ng OB ko na after 3 days pag hindi padin nag stop ang bleeding ko raspa na po agad ako kasi bka magka infection ako. November 28 lumabas ang fetus Dec 1 dilation and curettage na po ako.

miiii kumain ka ng hilaw na papaya...o ky iluto mo sya..isam mo sa tinola then yung papay lang kainin mo..then kain ka ng pinya ..

Pagsabayin mo ang pag-inom at pag insert mii. Babalik din po ang inyong baby mamsh❀️

10mo ago

Salamat maamsh

ano po naramdaman mo ngsspotting ka po ba?

10mo ago

Hindi po. Wala po nag pa utvs lang po kmi wala hb si baby