Overflowing BM

Hello po. Pa advice naman po, ano po kaya pwede gaiwn para ma sustain kahit pano yung breast milk ko. Sobrang lakas po kase ng flow sa left boob, pinapadede ko po kay LO (2 months old) nalulunod sya tapos nagsusuka ng gatas, as in vomit na marami kase ang lakas talaga ng flow. Pag sa right boob naman po sya nadede OK lang naman sya, kahit matagal nadede. Mas konti po kase yung flow ng right, parang mas maliit yung labasan ng milk. Kaya ayaw ko pong pinapadede si baby sa left boob. Hindi naman po sumasakit, ang hirap lang po continues yung pag tulo ng milk, ang hirap din kase kalalagay lang ng sapin basang basa agad. Pag gabi naman pati damit ko as in parang binuhusan ng tubig sa basa kahit may sapin na ? sa totoo lang nakakainis na pag ganun pero I feel na blessed po ako syempre. Pano po kaya mababawasan kahit pano yung overflowing ng bm?

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mommy advice ng OB ko wag daw padedein yung baby pag malakas yung flow kasi mabubulunan or i spit up nya rin kasi hinahabol nya dede yung flow ng milk. Sa akin po pinapastop ko po muna si baby tapos wait ko na humina or sa kabilang breast muna. Saka try to catch your let-downs mommy kasi sayang. Pwede pa ma dede ni baby kung ilalagay sa feeding bottle basta follow nyo lang right procedures

Magbasa pa
5y ago

Ganun po pala. Thank you momsh ❤️