breast feeding! help!

Hi po! New dad here, 4 days old baby girl. Ano po gagawin kapag ayaw ni baby mag dede kay mommy? Kasi we gave her formula milk last 2 days kasi po walang gatas na nalabas kay mommy. Now meron na pero sobrang konti, kahit ipump konti lang nalabas. Nagwawala na si baby sa kakaiyak pero ayaw padin niya dumede kay mommy kahit isubo na. Yung breast naman ni mommy parang namamaga na, na parang puno na ng milk ayaw lang lumabas. Help po. Any comments or suggestions po will be highly appreciated.

10 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

para rin po kay momsh..iwasan pong mastress kase nakakababa or nakakawala po ng milk supply yun..best thing din po and effective is yung isipin nya na ddami milk supply nya..drink din po pala sya ng lots of water..kumain din ng masasabaw haluan ng malunggay,halaan or seafood nakakadami rin ng milk supply and pwede din po magtake sya ng malunggay capsule..😊

Magbasa pa

Hi po istop nyo po muna si baby sa formula..once po kase masanay sa bottle si baby mahihirapan po si baby maglatch kay momsh..paunli latch nyo lang po kay baby para po masanay sya and malabas ni momsh yung milk nya..sa una po tlaga kase is konti lang ang naproproduce na milk kase po maliit pa nmn po tummy ni baby..habang nalaki si baby dumadami din ang milk..

Magbasa pa
6y ago

welcome po..Hope na makadede na si baby kay momsh..

hello po .. base on my experience better po na patahanin nyo muna si baby bago ipalatch kay mommy kasi maiirita lang po sya kapag pinilit sya iiyak lang po sya lalo .. kay mommy naman po wag po sumuko the best kay baby ang golden milk nating mga ina 😊😊😊 keep on more patience lang happy mothers day

Magbasa pa

nako. akala niyo lang po walang nalabas pero kapag nadededw ni baby ung breats ni mommy meron po un. BABY IS THE GREAT LATCHER. try lang po ng try kasi baka biglabg dumami gatas ni mommy tapos kapag hindi nailalabas pwede mag cause ng matitis

VIP Member

Hot compress nyo yung breast at punas punasan ng cotton na may warm water para mawala yung bara sa nipples. Baka kaya nagwawala si baby kasi hindi nya masipsip dahil barado. Nasanay din siguro si baby sa nipple nung bottle.

6y ago

Massage nya din yung breast nya, yung mga bilog bilog gatas yun, hilot hilutin nya para lumabas yung gatas. Lalagnatin kasi sya kapag hindi nya nalabas yung gatas na breast nya.

starting from 8am today until now 10.40am iyak lang ng iyak si baby kasi nagugutom na. since then tintry ni mommy na ibreast feed siya kaso ayaw niya talaga mag latch. Di na alam ni mommy gagawin niya. 😔😔

Skin to skin. Super effective. wag niyo po ipadede si Baby kapag gutom na gutom na. orasan niyo every 3 hrs. wag niyo po sanayin sa bote. much better cup feed kung hindi pa marunong mag latch kay mommy.

6y ago

ok po. salamat! 😊

wag din po muna gumamit ng pump..hand express lang po muna..

6y ago

imamassage po breast ni momsh..para lumabas yung milk..

Super Mum

pwede nyo hand express ni mommy and icupfeed kay baby

yan po

Post reply image
6y ago

ihot compress nyo din po pala para mabilis lumabas yung milk..