Strict parent
Hello po, need some advice lang. Gusto ko na po kasing pakasal na sa jowa ko pero ang parents ko po ay parang ayaw pa kong ipakasal kahit nasa 27 years old na ako at yung jowa ko is 30 na. Sobrang strict parin po kasi ng parents ko sakin to the point na nakakasakal na sila. Ano po dapat gawin?

Wag mo sana masamain pero pwede maask kung may work kaba or si bf mo? At kung nagiisa ka bang anak or may mga kapatid ka naman? Kasi ako nagiisa akong anak at babae din katulad mo. Naransan ko din pagiging strict ng tatay ko sakin pero inintindi ko yun, tiniis ko kasi alam kong para sakin din naman yun. At awa naman ng Diyos, naging advantage din sakin yun at naging maayos naman talaga ako hanggang sa nakapag asawa naman ako, nagpakasal nako at masaya naman tatay ko nun, nkuha namin agad blessing nya nung namanhikan na yung magiging asawa ko nun. Maayos namanahikan family nya samin at eto nga, 4 yrs na kaming kasal ngayon. Natural sa magulang maging strict lalo na at babae tayong mga anak nila. Sympre nanjan yung ayaw lang nilang “mapariwara” tayo something like that or mbuntis nlng db? At kung magaasawa tayo, sympre gusto nila yung mkikilala muna nila yung magiging asawa natin, kung kaya ba naman tayong buhayin o baka hirap lang ang aabutin pala natin. Kung anong klaseng pamilya meron sya, natural yan lahat sa magulang na malaman muna nila kasi ipagkakatiwala na nila tayong mga anak nila sa lalakeng pakikisamahan natin e. Kung gusto nyo na talagang magpaksal, kausapin nyo parents mo mismo. I don’t think naman na hindi ka pa papayagan nyan kunt magpapaalam naman kayo ng maayos at maayos na haharap sa magulang mo yung boyfriend mo.
Magbasa pa


Isaiah 60:22: “When the time is right, I, the Lord will make it happen. “ *Hiraya Manawari*