Strict parent
Hello po, need some advice lang. Gusto ko na po kasing pakasal na sa jowa ko pero ang parents ko po ay parang ayaw pa kong ipakasal kahit nasa 27 years old na ako at yung jowa ko is 30 na. Sobrang strict parin po kasi ng parents ko sakin to the point na nakakasakal na sila. Ano po dapat gawin?

Pasensya ka na pero at 27 na tinatanong mo pa rin sa internet kung ano ang dapat mong gawin, marahil nga ay hindi ka pa dapat magpakasal. Whether pinalaki ka nilang walang kumpyinsa sa sarili, o dahil sa dependent ka pa sa kanila (financially/ emotionally), sa tingin ko po ay kailangan mo munang magkaroon ng lakas at tiwala na suwayin sila. If not, magsa- suffer din ang buhay may asawa mo kapag nakialam sila at hindi mo kayang panindigan ang mga sarili mong desisyon. Whether or not toxic ang parents mo, ikaw talaga ang nakakaalam nyan. Ang sakin lang, kailangan na buuin mo muna ang tiwala mo sa sarili, na alam mong tama naman talaga ang mga desisyon at gusto mo sa buhay. Good luck po sa inyo.
Magbasa pa

