Strict parents

Hello po, need some advice lang. Gusto ko na po kasing pakasal na sa jowa ko pero ang parents ko po ay parang ayaw pa kong ipakasal kahit nasa 27 years old na ako at yung jowa ko is 30 na. Sobrang strict parin po kasi ng parents ko sakin to the point na nakakasakal na sila. Ano po pwedeng gawin ko?

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyang age din ako nag asawa sis. Ano daw reason ng parents mo bakit ayaw ka pa payagan? Siguro mas maganda kausapin nyo parehas ng bf mo yung parents mo. Tanungin nyo yung reason bakit ayaw pa kayo payagan.

3y ago

Kung di ka pa handa magbuntis sis wag muna. Kasi mahirap lalo kung di prepared emotionally at financially. If kasal ang balak nyo yun muna. Advice lang sis kasi di talaga biro magbuntis at magalaga ng baby lalo ftm. Ako akala ko prepared na ko kasi after kasal namin ilang buwan kami ttc excited magkababy. pero nung lumabas na baby ko sobrang hirap pala talaga sabayan pa ng postpartum depression. mahirap talaga. Kaya sis kung kasal lang balak nyo yun na lang muna gawin nyo. Kasi di naman ibig sabihin na mabuntis ka papayag na agad parents mo na ipakasal ka. Baka mas lalo lang silang di pumayag kasi sasama lalo tingin nila sa bf mo.