Rashes

Hello po, nagka rashes po si baby nung tuesday so nilinisan ko po at nilagyan ko po ng calmoseptine yung part na may rashes. Usually po pagka ganon ang ginagawa ko nawawala na po. Pero hanggang ngayon meron pa din at mas kumalat pa yung rashes niya hanggang sa naging ganyan na po ang itsura. Nagsimula lang po yan sa pamumula tas naging ganyan na. Lagi ko naman hinuhugasan tuwing magpapalit ng diaper at di ko din binababad sa ?. Parang nag dry na po balat niya sa private area. Ano pa po kayang remedy dito? Lampein po brand ng diaper niya and since newborn yun na po gamit niya. Pasuggest na din po ng diaper tatry ko po muna ibahin baka sakaling mawala na yung rashes.

Rashes
336 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ako kapag mag linis ng private area ng baby ko mamsh warm water and cotton balls, then after nun tutuyuin ko muna ng cotton na towel pero pat-pat lang para hindi mairitate skin niya tapo lalagyan ko na diaper.

VIP Member

Mommy paki delete nyo nalang po yung post nyo dahil may mga anonymous na acct dito na nambabastos pag nakakakkita ng mga private parts. Pero maglampin ka muna or change to pampers para mawala rashes

Try mo po ung ganyang ointment.. Nasubukan kna po yan effective sa rashes.. Kahit kagat ng langgam at lamok mabilis po mawala... Basta konti lang po ang ipapahid or depende kung ganu karami at kalaki rashes nya

Post reply image

Hi momy try mo drapolene creme ganyan din ang baby nong 2 month xya diaper rash yan momshi napa ka ipektive yan na creme pag mawala na yan rash nya bawat palit mo sa kanya ng diaper lagyan mo ng petrulium.

pag lilinisan mo si baby dapat cotton and luke warm water lang, idi dip mo ung cotton sa lukewarm water then pipigain mo. ganun ang mas mabuting paraan ng paglinis kay baby dahil sensitive ang skin nila

VIP Member

Try mo mommy huggies dry or mamypoko. Tas Mustela cream for diaper rush. Tska Cetaphil baby wash or Dove. Pricey man pero tsak na hindi na masyado magkarashes si baby. At maganda pa kutis ni baby.

Tried a lot of different brands ng diaper sis newborn din baby ko pero yong the best talaga for me is Pampers premium. Medyo mahal compared sa iba pero happy si baby and sulit hindi palit ng palit.

VIP Member

try huggies po, saka every hour palit agad ng diaper.wag na hintayin na mapuno..Ganyan din baby ko, EQ una gmit ko pero masyado makapal, kaya nag try ako iba na manipis since newborn pa lang naman

VIP Member

nagkaganyan din baby ko date sobrang rashes nya. pinapalitan ni pedia ng diaper from Huggies to pampers at the same time may ointment syang nireseta calmoseptine 😊 try to consult your pedia sis

change ka ng diaper once puno na or nak 3-4 hrs na wash mo din ng water, lagyan mo drapoline cream! diaper nya po ung mga cloth like ( drypers o eq dry, maganda din ung smile ang tatak!)