Rashes

Hello po, nagka rashes po si baby nung tuesday so nilinisan ko po at nilagyan ko po ng calmoseptine yung part na may rashes. Usually po pagka ganon ang ginagawa ko nawawala na po. Pero hanggang ngayon meron pa din at mas kumalat pa yung rashes niya hanggang sa naging ganyan na po ang itsura. Nagsimula lang po yan sa pamumula tas naging ganyan na. Lagi ko naman hinuhugasan tuwing magpapalit ng diaper at di ko din binababad sa ?. Parang nag dry na po balat niya sa private area. Ano pa po kayang remedy dito? Lampein po brand ng diaper niya and since newborn yun na po gamit niya. Pasuggest na din po ng diaper tatry ko po muna ibahin baka sakaling mawala na yung rashes.

Rashes
336 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hugasan nyo po maligamgam na tubig na may alcohol taz gumamit ka lampin sa araw para maka singaw. Kawawa naman si baby.

VIP Member

Every 4hrs po ang palit ng nappy ni baby..may pee man o wala..kasi mainit po ang diaper.. tas wash po ng warm water..

Mas okay pag lampin nlang gamitin nya prang walang halong chemical. And wag dapat baby wipes gamitin. Water na muna.

Ung mga anak q din po nagkarashes sa kahit branded na diaper, nahiyang lng Sila sa smile na diaper, taz mura pa po.

Linisan po lagi ng warm water tos air dry then lagyan ng suitable na ointment/gamot, in my case nag Vaseline po ako

Drapolene cream po maganda sya...tapos baka di sya hiyang sa diaper...try po huggies mga baby ko don kase nahiyang

Try niyo po EQ dry. Yun po gamit ng baby ko never po siya nagkarashes. Gamitin niyo rin po yung Lactacyd

Ganyan din po baby ko noon .. Pero may nagrecommend sakin na pahiran ko ng DRAPOLIN ..effective naman po sya

VIP Member

Go to your pedia. And pls remove mo na yung picture ng private area ng baby mo dito kasi may mga lalaki din dito.

Consult your pedia momsh. Then try mo muna cloth diaper si baby. petroleum jelly din muna gamitin mo na ointment.